Nag-step forward si Noah nang makita ang ekspresyon ni Salem. Masama ang pakiramdam niya at kahit siya ay ramdam ang kaba ng dalaga. Nahuli na kaya sila? The person on the door step forward inside Salem’s room. Mas lalong tumindi ang kaba ni Salem at hindi niya na nahalata ang paglakad ni Noah paabante. Nagkasalubong ang pares ng mata. Bumakas sa mukha ang pagkagulat ni Noah nang makita niya kung sino ito. “Tama nga ako. May relasyon kayo. Care to explain?” “M-Markus...” Salem muttered in her low voice. Nanlalaki ang kanyang mata at grabe ang kanyang kaba. “Care to explain? Inuulit ko, Salem. Kailan pa? And how dare you, Noah?” Kumuyom ang kamao ni Noah at tinitigan sa mata si Markus. “Markus, wala s’yang kasalanan. Gusto ko siya!” Salem jump out between them. “Wala? Bakit hindi n

