Kinaumagahan. “Hindi pa ba gising si Salem?” tanong ni Donya Isabel habang nagsisimsim ng tsaa sa living room. Naroon din ang kambal na kakagising pa lang. “Tulog pa ata, lola. Baka napagod kahapon,” sagot ni Mark. Naunang umuwi ai Mark kaysa kay Salem, pero maaga itong nagigising siguro ay dahil nasanay ito. “Mukhang nag-enjoy nga ang pinsan niyo kahapon. I saw her smiling while entering the house,” aniya ni Donya Isabel. That’s good. It means she’s having a time of her life. Ngunit iba naman ang ibig sabihin niyon sa kambal. Nagkatinginan ito. Gustong itanong ni Mark ang tungkol sa pag-uusap nila sa telepono. “Mukha nga.” Tumayo si Markus at nagpaalam sa lola. “Pupunta lang po ako sa library sa taas. Kung may kailangan kayo, lola, tawagin niyo lang po ako.” Sumunod din naman si Mar

