“Quick question, Miss Copper Valencia. Paano mo ako maco-convince na i-hire ka bilang sekretarya ko? Sa palagay mo ba karapat-dapat kita i-hire bilang sekretarya ko? What is your best strength compared with the others applicant despite of being fresh graduate and zero work experience?”quick question daw…!!!pero sunod-sunod naman ang tanong…so!ang lagay agad-agad din na sagot.
Pakiramdam ni Copper nabubulunan na siya sa sobrang tensyon. Nawiwindang na din siya at hindi makapag-isip ng maayos. Tila nagiging puti na yata ang kanyang mukha.
“Namumutla ka na agad, Miss Valencia. Tinatanong pa lang kita. Hindi ka na makasagot. Alam mo na sa simpleng pagtatanong ko ng ganito. Ni-re-reyt na kita. Kung tanong pa lang. Bumabahag na ang buntot mo. How much more kung sindakin pa kita? If your fears is bigger than your dreams. Then, I guess you have no space in this company. I hate those people easy giving up. Nagkamali yata si Ms. Belle na idala ka dito, Miss Valencia. Malaki ang kumpyansa na nakita niya sayo. That’s why she brought you here. Just FYI, ikaw pa lang ang first applicant na dumaan ng interview with the CEO. Are you aware on that?” sabi nito habang nakapamulsa pa na tila nagigiliw pa ito na nakikita siya na natutuliro ang hitsura. Bakit ganoon parang mixed discouragement and encouragement naman ang ginagawa nito sa kanya?
Kilala siya bilang isang palaban na babae. Siya kasi yun tipo na hindi basta sumusuko. Hindi isang Zinc De Castro lang ang sisira sa kanyang determinasyon.
Marahan siya napaunat sa kinauupuan. Tila humuhugot ng lakas ng loob.
“Sir for me, of course when I came here. I am putting myself into one scenario. I am a selling myself to the buyer which is the employer. I believe it’s not my obligation as a job applicant to convince you to hire me. Why? Because as long as I did my best to impress the employer. I guess nothing to prove anymore. Yes! of course if I did my best then I am deserved with the best. Sorry Sir! But I don’t believe in the 3rd question. Does Juan and Pedro quite the same? No, right? Does moon and son shines in the same time? No, right? So! No need to compare myself to someone else because everyone of us has own strength and weaknesses through God given talents. Thank you for your questions Sir!” napakatatas ng pagsagot ni Copper. Walang kiyeme. Walang pasakalye. Diretso impunto. Kung saan man siya humugot ng lakas ng loob? Marahil iyon talaga ang natural na siya at masyado lang siya na-overwhelmed sa kagwapuhan nito. Kaya hindi agad nakapagsalita.
Samantala napahaplos na lang sa buhok ang CEO na si Zinc De Castro. Matapos marinig ang sagot ni Copper Valencia sa kanyang mga tanong. Tila bigla siya napahanga sa mga sagot nito. Nagulantang ang kanyang isip at puso. Hindi niya akalain na meron pala ito itinatagong kilabot. Her answers has a deep meaning. Nag-iiwan ng moral lesson. Nagmarka sa kanyang isip yung araw at buwan. Ang layo na ng narating niya sa buhay. Naging CEO na siya. Pero ngayon lang niya narinig ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi talaga nilikha ng Diyos ang isang tao na magaling sa lahat ng bagay. Isang halimbawa na lamang. Siya bilang CEO at itong si Copper Valencia bilang job applicant. He never thought that everything could be change about his belief. Pakiramdam kasi niya parang meron nasanggi na maliit na bahagi ng kanyang buong pagkatao. Halos hindi magawa ni Copper na huminga ng mga sandaling iyon. Hangga’t hindi niya naririnig ang boses ng CEO. Nagtataka lang siya dahil parang nag-iba ang reaksyon ng mukha nito. Kung kanina animo’y isa itong bato sa tigas ng facial expression nito. Ngayon naman mistula iyon pinaghalong hot cake at marsh mallow sa lambot. Hindi tuloy niya naiwasan.
“S----ir are you alright po?” lakas loob na tanong niya ka Zinc na hindi pa rin natitinag mula sa kinatatayuan. Ni maihakbang ang paa ay hindi yata nito magawa. Napansin kasi niya na natigilan ito habang siya ay sumasagot sa mga katanungan nito. Gusto isipin ni Copper na nagawa niya ma-impress si Zinc De Castro sa kanyang mga sagot. Kitang-kitang naman kasi sa reaksyon nito kanina.
No…! No…! Hindi dapat…! Mali ito…! Iyon ang bulong sa kanyang isip na nakapagpabalik sa kanyang tunay na kamalayan. Hindi ang isang katulad nito ang basta lang makakapagpabago sa kanya.
Ano siya nasisiraan na ng ulo?
Dahil lang sa isang pipitsuging bata, fresh graduate na si Copper Valencia.
Babaguhin niya ang pananaw.
Never…! Never…! Never…! Zinc De Castro is a certified Zinc De Castro.
Hindi na iyon bago.
Hindi nagbabago.
Hindi magbabago.
Hindi kailanman magbabago para kanino man.
“Of course! I’m alright! Who are you to raise that question to me? You are just only a job applicant in my company…!”pasinghal na sagot nito sa dalaga.
Sa inis na yata ni Copper ay naikuyom niya ang sariling palad. Nahagip ng kanyang tingin ang isang bonsai plant na nasa ibabaw ng side table. Kunin kaya niya ito at ihagis sa mukha ng mayabang na CEO na ito. O di kaya naman ay ihampas niya ang kanyang sling bag sa mukha nito. Sari-sari na ang kanyang naiisip. Nagpakita lang siya ng pag-aalala. Tapos ganito pa ang matatanggap na salita mula sa lalaking ito.
“Bakit sa akala mo ba nakuha mo na ako? Bakit sa akala mo ba nai-impress ako sa mga non-sense answers mo? Bakit sa akala mo ba mapapayuko mo ang isang tulad ko? You are hallucinating, Ms. Copper Valencia. Hindi mangyayari ang mga nasa isip mo. Akala mo siguro hindi ko nahahalata ang mga nakaw na sulyap mo sa akin. Akala mo siguro hindi ko nahahalata ang mga titig na tinatapon mo sa akin. Hindi na bago sa akin yan. Papunta ka pa lang. Pabalik na ako.” sabi nito na bumalik sa upuan nito na swivel chair. Shocked si Copper sa mga narinig. Hindi lang pala mayabang ito. Malakas pa ang bilib sa sarili.
“Hindi na ako magtataka kung sa isang kalabit lang sayo. Bibigay ka na agad. Tingin ko kasi sa mga babaeng tulad mo. Basta matabang isda, papatulan. Simply, because of money. Manghuhuthot na. Manloloko pa.” wala sa loob na sabi ni Zinc na bigla din nagulat sa mga nasabi. Nadala na naman siya ng emosyon niya. Gusto sana niya na bawiin ang mga nasabi. It’s too late because he saw the reddish face of the young lady in front of him.
This is her turn. Hindi na niya kayang palampasin.
“S-----irrr pasensya na po ha! Pero kahit sinong aplikante ang lumagay sa pwesto ko ngayon. Masasagot ka po ng hindi maganda. Pumunta po ako dito. Para mag-apply ng trabaho. Hindi para magpabastos at bastusin. Wala ka po karapatan na husgahan ang buong pagkatao ko. Dahil hindi mo po ako kilala. Hindi po ako tulad ng mga babaeng iniisip mo. I’m not the goldigger one. Kaya nga po ako naghahanap ng marangal na trabaho. Para hindi ko iaasa ang kakainin ko sa ibang tao. Hindi rin po ako mukhang pera. Tulad din ng iniisip mo. Hindi po ako kasing yaman mo. Pero masaya at kuntento na ako kung anong meron ako. Ikaw po ba masaya ka sa buhay mo? Kasi parang hindi po eh…!mukhang malalim po ang pinaghuhugutan mo, Sir…!”matatas niyang wika na sinadyang paasimin ang mukha.
Hindi naman siya sinampal. Pero bakit pakiramdam niya mabigat at mapula ang pisngi niya. Dahil sa huling tanong ni Copper Valencia. Napahiya ba siya? Masaya daw ba siya? Parang nasapol at natusok siya ng tanong na iyon.