Chapter 4 - First Day of Consequence and First kiss

2458 Words
Patty's POV Papasok na ako sa gate ng university ng may narinig akong tumatawag sa pangalan ko kaya't nilingon ko ito at nalaman kong si Perry ito yung classmate kong dikit ng dikit sa akin dahil may gusto sa akin. "Patty my loves! Wait for me!" Naku ang feeling talaga ng lalaking ito. Pero wag kayo ah guwpo naman siya pero di ko gusto ugali niya. Mayabang kasi eh. Lahat na lang ipinagyayabang nito at pinakamatindi yung sobrang mahangin niya na tipo kausap niya nililipad. Yung literal talaga. "Bat naman ba? Magmamayabang ka na naman sa akin." "Labs naman! Hindi naman ako mayabang ah! Nagsasabi lang naman ako ng katotoahanan." "Sus hindi daw mayabang pero halatang halata naman." Eh pano ba naman habang naglalakad kami eh pinalalandakan niya ang bago niyang kasuotan. Mayaman kasi kaya may maipagyayabang pero di namn yung tipong parang imomodel mo pa sa harap ng maraming tao. Kaya ayan, ppinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Naririnig ko pa ngang bulungan nila na sobra talagang napakayabang ng katabi ko. Haaay kailangan na talagang baguhin ang lalaking ito. "Labs!!! Grabe ka naman oh. Kinakawawa mo naman ang pogi mong boyfriend!" lungkot-lungkutan niyang sabi. "Duhhhhh!!! Boyfriend??? Ikaw? Kelan kita sinagot aber?! Nagpapatawa ka ata eh." "Sus! Pasasaan ba't darating din tayo jan. Kaya kiniclaim ko na habang maaga pa. Antagal mo kasi akong sagutin eh." Naku naku talaga. Namumuro na talaga sa akin ang lalaking ito. "Wag mo akong binibiro ng ganitong umaga baka di kita matantiya makatikim ka ng lumilipad na sapatos." "Labs, chill lang. Wag kang masungit. Baka mahalikan kita ng di oras. Sige ka!" "Subukan mo lang. Durog nguso mo sa akin! Halika na nga. Andami mong satsat. At please lang wag ka ngmagsalita pa habang mahaba pa pasensiya ko." Sabi ko na lang sa kanya para tumigil na siya sa kakapose. Nakakairita na kasi tapos nakakahiya. Pagkatapos kong sabihin yun ay kinaladkad ko na siya papuntang classroom namin. Pagkarating namin sa room ay pumuwesto kami sa likuran at linagpasan ang favorite na upuan naming ng mga babies ko kasi nagyon yung simula ng parusa nila sa akin. Magugulat sigurado ang mga iyon na di ako umupo sa upuan namin. Kinakausap ako ni Perry pero di ko siya pinapansin dahil busy ako sa pagbabasa ng mga notes para sa lesson naming ngayong araw. Alam mo na para makarecite naman at advance reading na din. Ilang minuto din ang lumipas ay iba na ang kinakausap ni Perry. At sa pagtingin ko sa kanila ng kanyang kausap ay pinagyayabang na naman niya ang kanyang sarili. Hay naku! Buti hindi naririndi yung kausap niya. At teka lang! Si Cindy pala yun ah. Siya yung kausap niya. Haha naku naman kay Cindy tlaga. Tsk! Tsk! Tsk! Hindi pala alam ni Perry na may gusto sa kanya si Cindy. Gusto ko tong mga nakikita ko ngayon ah. "Pssst." Sitsit ko kay Perry. Lumingon naman siya. "Bakit Labs?" "Halika dito saglit. May sasabihin ako sayo." "Okay Labs. Uy mamaya ulit ah. Tinawag kadi ako ni Labs." Sabi niya kay Cindy at saka luampit sa akin. "Ano yung sasabihin mo sa akin Labs?" "Tss. Sabi ng tigilan mo na ang kakatawag sa akin ng Labs eh. Hmpf...bahala ka na nga!? Basta wag ka masyadong magtatawag sa akin ng ganyan baka masapak ka ng di oras." Feeling niya kasi. Nakakaimbiyerna talaga. "Ito namang si Labs eh. Ang hirap lambingin." Sabi niya pero inambaan ko siya ng suntok. "Oo na! Di na kita tatawaging Labs. Ano ba yung sasabihin mo sa akin, Hon?" "Hon?! Ikaw talaga! Nakakainis ka na." susuntukin ko n asana siya pero nagsalita siya. "Ooops! Hahalikan kita pag tinuloy mo yan. Binibiro ka lang eh!" "Biro daw? Tseee. Bahala ka nga jan! hmpf!" sabay tayo ko para pumunta ng cafeteria. "Uy Labs! San ka pupunta? At ano yung sasabihin mo sa akin?" tanong niya sa akin. "Ewan ko sayo! Bahala jan na mag-isip." At lumabas na ako ng classroom. *** Naglalakad na ako sa hallway habang kumakain ng beng-beng nang makita ko ang mga babies ko na naglalakad papunta sa akin kaya nagtago ako agad. Salamat naman at di nila ako napansin. Narinig ko pa nga silang nag-uusap tungkol sa paano nila ako aamuin kaya pagkalagpas nila sa akin ay lumabas na ako at dumaan sa kabilng ruta papuntang classroom dahil ayaw ko silang makasabay dahil nga nagtatampo ako sa kanila. Whoah. Di na lang sana ako dumaan dito. Nakakahingal pala. Haaay buhay nga naman. Nagpahinga muna ako saglit sa may hagdan malapit sa room naming bago ako pumasok. Papasok na sana ako sa harap ng room pero maingay sa loob kaya nakinig muna ako kung ano ang ganap sa loob at narinig ko na may hinandang surpresa daw para sa akin kaya naman napagdesiyunan kong sa likuran na lang dumaan dahil madalas sa harap talaga pero alam niyo naman na iniiwasan ko sila. Di nila ako napansin na pumasok dahil busy ang lahat sa kakatingin sa mga babies ko. Ikaw ba naman ang mga campus heartthrobs at sweethearts. Umupo ako sa pinakalikod ng room at tiyak kong di ako mapapansin dito dahil nahaharangan ako ng mga nagtatangkaran na mga kakklase kong varsity habang kumakain pa rin ng beng -beng. Napansin ko na nag-aalala na sila dahil di pa nila ako nakikitang pumasok. Narinig ko pa sila na parang nag-aardumento kung pumasok ba ako o hindi. "Ricky, sure ka bang pumasok si Yum?" sabi ni Georgina "Oo naman! Nkaita ko pa nga siyang sumakay sa jeep kanina eh. Hindi ko nahabol yung jeep dahil kakalabas ko lang din ng bahay." Sagot naman ni Richard "eh nasaan na siya? Malapit na magtime oh!" tugon naman Lei "Oo nga. Di naman siguro mag-aabsent yun dahil di siya papayag na umabsent kahit isang araw." Si Bea naman ang nagsalita. Bat naman ako aabsent noh. Di pa ako nasisiraan ng bait para umabsent. Mahal ko ang pag-aaral kaya walang makakapigil sa akin na pumasok. Subukan kaya nilang ilibot ang tingin para naman masabi nilang di pa ako multo para di Makita. Pansin ko na may hawak silang banner at cake. Wow para ba sa akin yun. nakakaTATS naman. At teka... bulaklak ba yun? Wow ha.. tong mga baby boys ko talaga gingawa talaga akong babae. Natapos ko lang silang pansinin nang dumating na ang una naming prof at adviser namin. "Oh ano yang hawak nyo Mr. Kang? Banner at cake? O may bulaklak pa! At para kanino naman yan?" "Kay Yum po Sir!" "O, kay Mr. Fernandez lang pala. Bat di niyo pa ibigay para makapagsimula na tayo sa klase." "Eh sir, wala pa po siya eh!" "Anong wala? Nakita ko siyang nagpunta kanina sa cafeteria kaya wag mong sabihin wala pa siya. Teka... O Mr. Fernandez anjan ka pala bat di ka nagsasalita jan eh kanina ka pa hinihintay ng mga babies mo." Sabi ni Sir Medina habang nakatingin sa likod. Eh matangkad si Sir kaya kita niya ako. Kaasar naman oh nagtatago nga ako eh. "At Mr. Fernandez, bat ka nga pala nanjan sa likod. E, di naman jan yung usual seat mo ah?" "Sir, gusto ko lang po kasing maiba naman. At gusto ko po dito sa likod, kita kop o lahat. Hihi" rason ko na lang "Naman pala. O ano pa hinihintay niyo ibigay niyo na yan." Sabi namn ni Sir kaya naman pinuntahan nila ako sa likod at binigay sa akin ang mga hawak nila pero nagulat ang lahat sa ginawa ko. O bakit kayo ah hindi naman masama yung gagawin ko eh. Tinanggap ko naman yung mga hawak nila at tumayo ako saka dumiretso sa harapan at binigay kay Sir yung cake. At yung mga bulaklak naman ay binigay ko sa mga babae at yun kilig na kilig naman ang mga hitad at saka ako pumunta sa upuan ni Perry at binigay sa kanya ung banner. "Sayo na yan Perry!" ngumiti naman ang loko dahil may ikakabit naman daw siya sa kwarto niya. Hay naku kung di ko lang kilala to baka iisipin kong pinagnanasaan niya mga litrato ko. "thanks my labs!" pasalamat niya sa akin at bumalik na ako sa likod saka dumaan ako sa gitna ng mga babies ko na nakangiti ng pilit at mukhang napansin nila iyon. Natulala sila sa ginawa ko kaya hayun sila nganga. Ako naman ay umupo na. "O, naibigay niyo na. Umupo na kayo para magsimula na tayo." Sabi ni Sir Medina kaya naman umupo naman sila sa tabi ko pero pagkaupong pagkaupo nila ay tumayo naman ako at lumipat sa tabi ni Perry na ikinagulat nila at si Perry naman ay ngitinhg-ngiti na katabi ako. Napansin ng lahat yun kaya nagbulung-bulungan ang mga kaklse ko kung bakit di ko katabi ang mga babies ko hanggang matapos ang first three subjects ay break na namin at sakto lunch break na kaya naman hinila ko agad si Perry palabas para di makalapit sa akin ang mga babies ko. Nasa cafeteria na kami ni Perry at nakapila para bumili ng lunch ng Makita naming na nahawi ang pila sa harapan naming dahil dumating ang mga babies ko. Siyempre kilala na sila kaya naman pag lunch break ay palagi sila este kami ang nangunguna sa pila dahil nag-gigive way naman yung mga estudyante para mauna kami sa pila dahil hindi sa takot sila sa amin kundi dahil nirerespeto nila ang grupo naming dahil marami na kasi kaming naiicocontribute sa school lalo na sa mga school organizations ng campus namin. "Uy salamat guys sa pag-give way. Yum, lika na order na tayo dito." Sabi naman ni Shaun "Sige lang mauna na kayo. Hintayin namin ni Perry yung pila naming." Sagot ko naman "Pero Yum..." si Sam naman "Lika na nga Perry. Ayoko ko ng kumain." Sabi ko at hinila si perry palabas ng cafeteria. "Labs namn eh. Gutom na ako." Ungot niya Tinignan ko siya ng masama at saka binitawan. " Di maiwan ka jan. Pakabusog ka!" sabi ko sa kanya at umalis na. "Uy! Uy! Labs sandali. Wag mo akong iwan. Oo na sasama na. hintayin mo ako Labs." Hay naku susunod namn pala. Minabuti na lang naming na pumunta sa garden at bumili na lang ng lunch sa karinderya ni Aling Maming na malapit dun. *** Pagkatapos ang lunch ay bumalik kami sa room at nagklase ulit ng major subjects. Hindin ko pa rin pinapanasin ang mga babies hanggang sa sumapit na ang hapon at patapos na ang hulinh klase naming. Nag-yaya naman si Perry na magmall kami dahil boring daw sa bahay nila pag umuwi agad siya kaya ayun [pumayag naman ako para umiwas din sa mga babies dahil alam kong susundan nila ako kung saan ako magpunta kaya naman minabuti naming ni Perry na iligaw sila para din a nila ako masundan. Pauwi na ako sa bahay pero dumaa mo na ako sa shop ni Ate ciara para tumulong. Pagdating ko dun eh nakita kung maraming costumer at nakita ko din na nandun ang mga babies ko kaya naman din a ako tumuloy at dumiretso na ako sa bakery naming sa labas ng subdivision namin. Habang naglalakad ako eh nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin kaya naman lumingon ako sa paligid baka yung mga babies ko o kya si perry pero baka masamang tao. Ngunit wala naman akong Makita kaya naman naglakad ako ng mabilis dahil malakas ang pakiramdam ko na may sumusunod talaga sa akin pero di ko namamalayan na may makakasalubong ako na mga grupo ng tambay na may hawak na iba't ibang pamalo. Di ako makakakilos sa kinatatayuan ko pero kailangan kong makaalis dito dahil pagkakaalam ko ay sasaktan nila lahat ng nakaharang sa dadaanan nila kaya naman napaatras ako. Mukhang ako yung pakay nila kaya naman tumakbo na ako pabalik sa pinanggalingan ko at tama nga ako dahil hinabol nila ako. Waaaaah ayoko pang mamatay. Lord tulungan mo ako please. Kahit sana naman may makakita sa akin at tulungan ako. Hinihingal na ako sa kakatakbo pero ayoko pa rin tumigil sa pagtakbo dahil ayokong abutan nila ako. Hala! ayan na sila...malapit na sila kaya naman lumiko ako ng lumiko sa mga eskinita para mailigaw ko sila. Lalabas na sana ako sa highway ng may humila sa akin sa madilim na eskinita isinandal ako sa pader. Napapikit ako at nagsisisgaw. "wag po. Wag niyo akong sasaktan. Please maawa kayop sa akin. Please lang! ayoko pang mamatay. Nakikiusap ako please. Sige please pakawalan mo a--" Sigaw ko peero tinakpan niya bibig ko ng kamay niya. "Sssssshhh! Wag kang maingay!" sabi sa akin ng baritonong boses. Dinilat ko mga mata ko pero di ko siya maaninag dahiul sobrang madilim. Pero nagsisisgaw pa rin ako kahit tinakpan niya bibig ko. "Mmmmmm....Mmmmm.....Mmmmmm!" sigaw ko pero di naman naiintindihan. "Sabi ng tumahimik ka eh. Hahalikan ka jan eh!" pero di ko pinakinggan sinasabi niya a nagsisigaw pa rin ako. As if naman kung kaya niya. Excuse me. Bading ako di ako babae. Pero nagulat ako sa ginawa niya at talagang tumahimik talaga ako. Nanlaki talaga mga mata ko sa ginawa niya. Myghad....Sino ba siya? Bat niya ako argghh...hinalikan? Kala ko isa siya sa mga humahabol sa akin. At infairness huh ang lambot ng mga labi niya at sobrang nakakadal siya humalik kaya naman napatugon ako sa halik at napapikit sa sobrang sarap ng kanyang halik. Ang tagal ng halik na iyon. Para ba ngang nakalimutan ko na may humahabol sa akin. At pakiramdam ko nasa burol ako na nalalatagan ng maraming bulaklak na sobrang dami at kasama ko ang lalaking mamahalin ko habang buhay ngunit di ko maaninag ang mukha niya dahil Malabo ito pero kahit ganun masaya ako na kasma ko siya. Natapos lang ako magdaydream nang maramdamn kong tapos nap ala yung halik at napansin kong wala na yung lalaking humalik sa akin at napansin kong wala na din yung mga humahabol sa akin paglabas ko ng eskinitang iyon. Hinawakan ko ang mga labi ko at wala sa huwisyo na naglakad pauwi. Buti na lang wala na yung mga tambay na humahabol sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag na nakauwi sa bahay na may dalang ngiti. Napansin nga ako ng mga tao sa bahay naming na wagas ang pagakakangiti pero di ko sila pinansin at dumiretso sa kwarto ko at humiga na hawak pa rin ang mga labi at inaalaa ang halik na nakuha ko kanina. Hindi ko alam pero masaya ako sa araw na ito. Sino kay yung lalaking iyon? Gusto ko siyang makilala? Sana Makita na kita hindi yung sa dilim ka lang magpapakita.... Sino ka nga bang talaga? *** A/N: Sino nga ba? Let see sa susunod na mga chapters kung sino si mysterious guy na humalik kay Patty. At tignan natin kung kelan magtitiis ang mga babies niya sa kanyang tampu-tampuhan mode. Stay tuned... ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD