Chapter 31 MARRY Anong nangyari noong nasa States ka pa? Hindi makapaniwala ang lahat sa kaganapan sa Hacienda Montero dahil sa biglaang pagdating nina Gloria at Feliz. Nagulantang ang lahat dahil sa binalita ni Gloria at naungkat na ang tinatagong sikreto ng nakaraan. Bukod Kay Manay Lorna, ang pinaka matinding naapektuhang ay si Lori. Paano ipapaliwanag ni Ivan ang mga akusasyon nila ni Feliz sa isa't isa? May kung anong nangyari sa pagitan nilang dalawa na kailangan malaman ni Lori. “Ivan! Ano na?“ hiyaw ni Lori. Imbis na sagutin siya ni Ivan, hinablot nito ang kanyang kamay. "This is all freaking búllshit! Halika na, Lori.The show has ended.” Sabay hila sa kanya pa-akyat ng ikalawang palapag. Mukhang dadalhin siya ni Ivan sa kwarto nito. Nasa unang palapag doon sa maid's qua

