Imaculate's POV: "Sugod mga kapatid! Ubusin niyong lahat ang mga kalaban! Hulihin ang apat na taksil at patayin!" sigaw ni tatay. Pinag-apoy ko ang aking buong katawan at lumipad sa mga alagad ni Augy. Pinalabas ko ang aking scythe at inihampas ito sa kanila. Nang mahati ko ang isang anghel sa dalawa ay bumagsak ito sa lupa. Laking gulat ko naman nang gumalaw ito at bumalik sa dati. Nagdugsong muli ang katawan niya! "Ahh s**t! Bwisit na iyan!" inda ko. Nawala ako sa focus kaya nagawa ng isang anghel na makalmot ang likod ko. Kita ko namang gumaling ang kamay niya matapos masunog ng apoy ko. Sinubukan kong dukutin ang puso niya at nagtagumpay ako. Dinukot ko rin ang puso ng iba pa at hinintay ang magiging resulta. Hindi na muli silang bumangon kaya napangisi ako. Nasa limang da

