Imaculate's POV: Naglalakad na kami ngayon dito sa gilid ng bulkan. Sa tuktok daw ang punta namin para gisingin ang kaluluwa ng phoenix. Kinikilabutan tuloy ako, multo pa rin kaya siya ano. "Grabe, hingal na ako. Bawal bang pahinga muna?" tanong ni Megan at napahawak sa tuhod niya. Napatungo naman ako at tumulo ang aking pawis. Napaka-init idagdag pang napakataas nitong nilalakad namin. "Oo nga, kahit saglit lang. Nakakapagod eh," pagsakay ko kay Megan. Pumayag naman sila Ninong Phegory at Satan na hindi mo makikitaan ng pagod. Ang hyper pa nga nilang dalawa, ewan ko ba sa kanila. Umupo muna kami sa isang gilid. Tumabi sa akin si Cypher at inabutan ako ng isang bottled water. "Salamat," sabi ko at tinanggap ito. Uminom ako at itinira sa kaniya ang kalahati. Inubos naman iyon

