Chapter 1

1720 Words
Ellen Gamit ang hem ng palda ko ay pinunasan ko ang mga luha dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa ang buong katawan ko mula sa takot sa lalaking iyon. Sapilitan niya akong dinala rito sa bahay niya at hindi ko mahindian dahil asawa ko na siya. Kinasal kami kanina ng abogado sa kaniyang opisina. Ginawa ko ang lahat ng ito para sa kapakanan ni papa. Wala na kaming perang pambayad ng utang kaya napilitan akong pumayag na magpakasal kay Braylon. He is so scary! Maraming tattoo sa braso at iyon ang isa sa kinatatakutan ko sa kaniya. Malalalalim ang asul niyang mga mata at sa tuwing tinititigan niya ako ay para niyang sinusunog ang buong pagkatao ko. Ang boses niya ay parang kulog at kidlat sa aking pandinig. Sa tuwing magsasalita siya ay tumatalon ang puso ko at humihiwalay ang aking kaluluwa. Muli na naman akong sumiksik sa pader nang bumukas ang pinto. Pero agad akong natigilan nang makita ang pumasok. Ito ang lalaking kasa-kasama namin kanina sa kaniyang opisina. Baka secretary niya ito o 'di kaya ay bodyguard. Tinaas niya ang kamay sa akin nang makita akong natatakot. Ngumiti siya. "Ellen, huwag kang matakot sa akin. Hindi kami masamang tao." Napalunok ako. Mabuti pa itong isa dahil may mabuting puso. Iyong ibang bodyguards kasi ni Braylon ay katulad niya lahat. May mga tattoo rin at nakakairita ang mga haircuts. Tumayo ako ng maayos. "Halika, sasamahan kita sa kwarto ninyo para makapagbihis ka. Huwag kang matakot. Ito oh para sa'yo sabi ni sir." Nagkasalubong ang mga kilay ko nang makita ang malaking lollipop na inalok niya sa akin. Pagkatapos akong paiyakin ni Braylon ay may nalalaman pang pabigay bigay ng kendi. Sira ulo talaga ang lalaking iyon! "Nakadruga ba ang amo mo?" Walang preno ang bibig kong nagtanong sa kaharap kong lalaki. Pinigilan niyang tumawa. Yumuko at nangingiti. "Ano po ang pangalan ninyo, sir?" Tiningnan niya ako. Wala na ang ngiti na naglalaro sa kaniyang mga labi. "Robe ang pangalan ko. Puwede mo akong tawaging Kuya. Kung saan ka komportable Ms Ellen." Tumango ako sa kaniya. Muli niyang inabot sa akin ang hawak na lollipop. "Tanggapin mo. Magagalit na naman si sir nito kapag sinauli ko sa kaniya." Upang hindi siya mapagalitan ay tinanggap ko ang lollipop. Sumama ako sa kaniya palabas at dinala niya ako sa ikalawang palapag. Ang laki ng mansyon na ito kumpare sa amin. "Nandito ang kuwarto ninyo, Ellen. Nando'n ang walk in closet." Turo niya sa isa pang saradong kwarto. "Nakaayos na rin doon ang mga gamit mo. Magbihis kana at bumaba. Ipapakilala kita sa mga kasambahay at ikaw ang pipili sa kanila kung sinong gusto mong maging personal maid." Umiling ako. "Hindi ko po kailangan ng personal maid. Kaya ko naman ang sarili ko." Umiling siya sa akin. "Hindi puwede, Ellen. Malalagot kaming lahat kapag sinuway mo si sir." Malakas akong napalunok. Ganoon na ba nakakatakot si Braylon? Lahat ng utos ay dapat masunod kun'di mapaparusahan ka. "S-sige po. S-salamat." Tumango siya. "Hihintayin kita sa baba." Nang makalabas sa kwarto si Kuya Robe ay napahinga ako ng maluwang. Pinaikot ko ang mga mata sa loob ng malawak na kuwarto. Very manly ang design. Ang mga kabinet at tokador ay kulay itim. Ang king size bed ay kulay brown at grey ang bedsheets. Pinilig ko ang ulo. Pumasok ako sa tinuro niyang walk in closet. Namimilog ang mga mata ko nang makita ko kung gaano ito kalawak. Pantay pantay na nakaayos ang mga damit niya. Ang mga slacks at sapatos. Ang mga neckties at mamahaling relos. Wow! Sa mga telenovela ko lang ito nakita. Doon sa mga pinapanood kong Korean nobelas. Naglakad ako hanggang dulo at doon ko natagpuan ang mga damit ko. Kahapon pa ito pinaimpake ni papa at pinadala dito sa bahay ni Braylon. Bumuntong-hininga ako at kumuha ng itim na leggings at fitted long sleeve. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako sa sala. Nasa sofa si Kuya Robe at may kausap na matandang babae. Agad siyang tumayo nang makita ako at nakangiting lumapit sa akin. "Ellen, siya si Yaya Jen, ang assigned sa kuwarto ni'yo." Tumango ako at nginitian ang matanda. Parang hindi niya ako gusto dahil hindi man lang ito nagbigay ng reaksyon. Sumakit ang dibdib ko. Natatakot na nga ako kay Braylon, tapos hindi pa ako gusto ng mga tao rito sa bahay. "Yaya, ang bagong Lady ng mansyon." Ngumiti si Robe. Tiningnan lang ako ni Yaya Jen at nagpaalam ng papasok sa kusina. Sinamahan ako ni Kuya Robe at pinakilala sa iba pang kasambahay. May isa akong nagustuhan. Sa unang kita ko pa lang sa kaniya ay magaan na ang loob ko. May edad na rin ito pero para akong nagkaroon ng Lola rito sa mansyon. "Manang Gemma, ikaw ang napiling personal maid ni Ms Ellen. Okay lang ba sa iyo?" Ngumiti ang matanda. "Hay naku sir Robe. Okay na okay. Ang bait bait ng batang ito. Napakaganda pa!" Pinamulahan ako ng mukha. Ngumiti ako pero agad rin nalusaw nang mahagilap ng mga mata ko si Braylon na papasok sa kusina. Umusod ako kay Kuya Robe. Nakaramdam na naman ako ng takot sa asawa ko. Hindi ko siya kayang makasama. Hindi ko siya gustong makita. Natatakot ako ng husto sa kaniya. Nagpaalam ang mga kasambahay na lalabas muna. Naiwan kami nina Kuya Robe, Yaya Jen at si. . .si Braylon! "Robe, may napili na ba ang Maria Elena ko na magiging personal maid?" Muling tumalon ang puso ko nang marinig ang boses niya. Mukha niya! Tawagin pa akong Maria Elena. Ellen ang pangalan ko! Ellen! Tumawa si Robe. "Yes sir. Si Manang Gemma." Sinulyapan ko si Braylon. Nakangisi itong nakatingin sa akin. Agad akong nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. "Binigay mo ba ang lollipop kanina? Mukhang kakailanganin iyon ng asawa ko para hindi pumapalahaw ng iyak. Masakit sa ulo!" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at inirapan ko siya. Mahinang tumawa si Robe. Tumango sa amo pagkatapos ay bumaling sa akin. "Ellen, aalis na ako." Muli akong napalunok. Gusto kong abutin ang hem ng suot niyang jacket upang pigilan siya pero nasa harap si Braylon. Wala akong nagawa kun'di tumango at magpasalamat sa kaniya. Nang makaalis si Kuya Robe ay muli na naman akong tinitigan ni Braylon mula ulo hanggang paa. Lumapit sa akin kaya napaatras ako sa mesa. Nilingon ko si Yaya upang humingi ng tulong pero hindi ito nakatingin sa amin. Umatras pa ako hanggang sa mabangga ang pwetan ko sa upuan. Ngumisi siya. He licked his lips and stared at me. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang dila niya. Sana bumuka na ang lupa at kainin ako. Mapapabilis ang buhay ko kapag hindi ako tinigilan ng lalaking ito sa katititig! "Wala ka ng kawala sa akin, Maria Elena ko. Akin ka. Lahat ng sa iyo ay akin." Mahinang boses niyang salita. Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok. Namawis ang mga palad ko at para akong mawawalan ng lakas. Ang salita niya ay nanuot iyon buong katawan ko at ugat. "Yaya Jen, handa na ba ang pagkain. Nagugutom na ako." Binalingan kami ni Yaya Jen. "Maghahain na ako sir. Maupo na lang kayo." At agad siyang kumilos ng mabilis. Nilapag ang plato at pagkain sa mesa pagkatapos ay lumabas na ng kusina. Binalot ako ng kaba nang maiwan kaming dalawa. Hindi pa ako kumikilos at nanatiling nakatayo sa gilid ng mesa. Umingay ang upuan nang humila doon si Braylon. Umupo siya at tiningala ako. Nginuso niya ang upuan sa kaniyang tabi. Nang hindi ako sumunod ay malalim siyang nagpakawala ng hininga. "Ellen, gusto mo bang kumandong sa akin? Halika dito?" Magkasunod sunod akong umiling. Agad kong hinila ang upuan sa kaniyang tabi at kinakabahan akong umupo. Narinig ko siyang tumawa. Nilagyan niya ng pagkain at ulam ang plato ko. "Eat." Tumango ako. Halos mabilabilaokan ako sa kinakain dahil panay ang baling sa akin nitong katabi ko at tinititigan ako. Wala na ba itong magawa sa buhay niya? Puwede bang mag-focus na lang siya sa kinakain niya kaysa pagtuunan ako ng pansin. Sira ulo talaga ang lalaking ito! Maiintindihan ko kung bata pa, pero ang tanda tanda na niya! Nang matapos kaming kumain ay sinubukan kong magligpit pero pinigilan niya ako. "Kaya ko naman po ito. Ilalagay ko na lang sa sink at hindi huhugasan." Paliwanag ko. Napaupo ako kaagad nang hampasin niya ang mesa. "Kapag sinabi kong hindi, hindi! Wala kang gagawin sa bahay na ito kun'di pagsilbihan ako sa kama! Maliwanag?" Naiiyak akong tumango. Nanginginig na naman ang laman ko sa takot. Binanggit niya ang pagsilbihan ko siya sa kama? Bata pa ako. Hindi ako makikipag s*x sa kaniya. "Ellen, tingnan mo ako!" utos niya. Bumalong ang luha ko at natatakot na tumingin sa kaniya. Nagsapo siya ng mukha. "Bukod kay Robe ay wala kang puwedeng kausapin sa mga lalaking tauhan ko. Kahit ang tingnan sila ay hindi mo puwedeng gawin. Naiintindihan mo ba ako?" Muli akong tumango. Humugot siya ng tissue at lumapit sa akin. "Huwag kang umiyak. Hindi kita sasaktan..." Muling bumalong ang panibagong luha sa mga mata ko nang marinig ang mainahon niyang boses. Kanina lang ay gusto niya akong kainin ng buhay. Pero ngayong umiyak na ako ay kumalma ang galit niya. Kailangan na sigurong magpatingin sa doktor ang lalaking ito dahil may deperensya na sa utak. Muli niyang pinunasan ang luha ko. Nilagay ang kamay sa chin ko at pinatingin ako sa kaniya. Umaliwalas ang mukha niya. Hindi na magkasalubong ang mga kilay at hindi na umiigting ang mga panga. "Stop crying, okay. Basta sundin mo lang ang mga utos ko ay wala tayong magiging problema." Muli akong tumango. Hindi na ako makapagsalita. Umurong na ang dila ako at para akong napaos. Nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Para akong nanigas sa kinauupuan nang maramdaman ang mainit niyang labi sa aking pisngi. Lumipat iyon sa aking tainga at binulungan ako. "Isang taon na lang Ellen ay magiging akin kana. Maaangkin na kita ng buong buo. Isang taon na lang Maria Elena ko." Namimilog ang mga mata ko at tuluyang nanigas sa kinauupuan. Ps: Mahalaga sa akin ang opinion ninyo. sana support rin niyo ito tulad ni Lennon at Amy. maraming salamat po. Paalala: Kung high standard ka sa mga story ay hindi ito suitable para sa iyo. thanks again!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD