MATAPOS mag-dinner ay nagpumilit si Matteo na ito na ang magligpit at maghugas ng mga pinagkainan nila. Si Sab naman ay umakyat na sa kaniyang silid. Naupo siya sa gilid ng kama at tumawag sa bakeshop para kumustahin ang mga empleyado niya. Nakipagkwentuhan na rin siya kay Trisha para ipaalam dito ang tungkol sa relasyon nila ni Matteo. "Kumusta ka na, Sab? Magkasama pa kayo ni Matteo?" "Oo. Nasa kitchen siya, naghuhugas ng pinggan. Kakatapos lang namin mag-dinner." "Wow naman! Sana all may driver at dish washer na pogi," natatawang wika nito. "Kung ako sa 'yo sagutin mo na si Matteo. Baka mamaya mainip 'yan kakahintay sa 'yo at maghanap ng ibang babae. Sayang naman." "Hindi mangyayari 'yon," agad niyang kontra sa sinabi ng kaibigan. "Hindi na kailangang maghintay pa ni Matteo kasi ka

