MONICA: MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO ay heto at bumalik kami ng probinsya kasama si Aldrich. Kasabay namin ang pamilya ko sa pagbalik dito para personal na maasikaso ni Aldrich ang aming pagpapakasal doon katulad ng napag-usapan namin noong una. Hindi ko mapangalanan ang sayang nadarama ko habang nakahalukipkip at pinapanood si Aldrich na kasama ang mga ka-baryo namin dito sa isla na nagtatayo ng bulwagan para sa aming kasalan. Dito kassi sa probinsya ay uso ang sayawan bago sa gabi bago ang araw ng kasal. Bagay na hindi alam ng mga taga syudad lalo na sila Aldrich na galing sa mayamang pamilya. "Ang ganda ng ngiti natin a," ani Mama na nanunudyo ang tono. Napalapad naman ang ngiti ko. Hindi ko kasi maitago ng sayang nadarama. "Halatang in love na in love ang Mokang ko," dagdag pa n

