MONICA:
NAPABUSANGOT ako na paglabas ko ng banyo ay wala na naman ang mokong.
"Saan na naman kaya nagpunta ang mokong na 'yon?" ismid ko habang nagpupunas ng puting towel sa buhok.
Naupo ako sa gilid ng kama. Nagpahid ng moisturizer milk lotion sa mga hita at braso ko. Hinubad ko na rin ang suot kong puting bathrobe na nahiga ng kama.
Tanging panty lang ang suot ko dahil mas komportable akong matulog naa walang saplot. Bahala ang mokong na 'yon kung titigasan siya. Hmfpt!
Napangiti ako na tuluyang nagpatangay sa antok. Ang lamig ng silid. Sobrang lambot ng kama at kumot ko na ikinalundo ng katawan ko. Idagdag pang napaka-fresh ng pakiramdam kong bagong shower lang.
Pero hindi pa man ako nakakaidlip ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan at ang mga papalapit nitong yabag. Susmi! Bakit nandito na siya agad!?
Nagtulog-tulugan ako na hindi gumagalaw. Naramdaman ko naman ang paglundo ng kama sa tabi ko. At ang matiim niyang mga mata na nakatutok sa likuran ko.
Nakadapa kasi akong nakahiga habang hanggang baywang ko lang ang kumot ko.
Dinig kong napahinga ito ng malalim na umayos ng higa. Pigil-pigil ang paghinga ko na malanghap ang mabangong hininga nito na may kahalong. . . alak!?
Umiinom ba siya!?
Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tumatama na kasi sa mukha ko ang mainit nitong hininga kaya nakakatiyak akong nakatutok ang kanyang mukha sa mukha ko! Hindi ko tuloy masaway ang puso kong nagtatatalon na naman at tila umaasa ang mga labing muling malasap kung gaano kasarap humalik ang mokong!
Napahinga ito ng malalim na umayos ng higa patihaya. Napabusangot naman ako sa isip-isip ko! Sayang. Kainis! Nagsipilyo naman ako ah!
Bago ako makaidlip ay naramdaman ko pa ang pag-ayos nito sa kumot namin at ang pagpapaunan nito sa akin sa kanyang kay tigas na bicep! Ikinulong niya ako sa kanyang mainit na bisig at mariing hinagkan lang naman sa noo Shemay! nang-iisa ang mokong!
May matamis na ngiti sa mga labing napaungol akong mas nagsumiksik sa kay lapad at tigas nitong dibdib! Niyakap din naman ako nito na mahinang napaungol.
KINABUKASAN ay nangunotnoo ako na maramdamang tila may mabigat na kamay na nakadantay sa. . . dibdib ko!?
Namimilog ang mga matang napadilat ako at napababa ng tingin sa aking dibdib para lang makita ang malaking kamay ni Aldrich na nakasapo sa kanang dibdib ko habang kay sarap ng tulog nito na nakasiksik sa leeg ko!
Uminit ang mukha ko lalo na't naka-brief lang ito ng suot habang magkayakap kami! Kahit dama kong wala namang mahapdi sa perlishel ko ay nakakahiya pa rin!
"ALDRICHHHHH!!" tili ko na ikinagising nito!
Pupungas-pungas itong napabalikwas na naupo sa kama! Nasipa ko itong ikinahulog nito sa sahig!
"Urghh! Fvck! Monica! What's the matter with you!?" asik nito na napasapo sa kanyang pwet na tumayo.
Kunot ang noo nito na masama ang timpla ng mukha. Hinila ko ang kumot na ibinalot sa katawan ko!
"Ikaw! Bakit nakayakap ka, ha!? Nakahubad ka pa! At hawak-hawak mo ang dede ko!" singhal ko dito na ikinataas ng kilay nito.
Maya pa'y napahagalpak ito ng tawang napapailing! Nag-iinit tuloy lalo ang mukha ko na parang maiiyak!
"Damn, sweetie. Ikaw itong sarap na sarap magpayakap sa akin kagabi. Isa pa, nahihimbing ako. Okay? Paano ko naman mamamalayan na nakasapo na ako sa dede mo," anito na nagsuot ng boxer.
Mas lalo namang nag-init ang mukha ko!
Tanda kong bago ako nakaidlip ay yumakap nga naman ako sa kanya. Mas nagsumiksik sa kanyang dibdib na ikinakulong ko sa bisig niya! Shuta!
"Manyak ka pa rin!" asik ko na ikinahalakhak nito.
"Anong manyak? Parang hindi mo alam na sanay akong may babaeng nakayakap sa akin sa pagtulog ko. Willing paligayahin ako sa buong magdamag. Kulang na nga lang e, magpa-schedule na ako para mapagbigyan silang lahat," sagot nito na may malapad na ngising kabayo!
Iiling-iling akong bumangon ng kama na ikinatigil nitong unti-unting nabura ang malapad niyang ngisi. Namula ang mga tainga na napapalunok. Saka ko lang naalala na naka-panty nga lang pala ako! Ang shunga mokang!
"Hoy!! Ang mga mata mo!" tili ko na kaagad nahablot ang roba sa paanan ng kama na isinuot ko!
Napakurap-kurap pa itong napahalakhak ng makabawi-bawi! Sinamaan ko ito ng tingin para ikubli ang hiya ko! Nakakainis! Nakita na niya ang lahat-lahat!
"Manyak!" asik ko na tinadyakan ang paa nitong ikinadaing nitong napatalon at hawak sa paa.
"Aw, sweetheart! Ikaw itong bumangon na pinakita ang kahubaran mo e. May mga mata ako. Alangan namang pagduling-dulingan ako para hindi makabisa ang kahubaran mo?" pangangatwiran nito.
Napaikot ako ng mga mata na ikinangisi nito.
"Hwag mo akong pinapaikutan ng mga mata mong iyan, sweetie. Baka patirikin ko ang mga iyan sa masarap na paraan," anas nitong napapakagat ng ibabang labi!
Napalapat ako ng bibig na pinaniningkitan itong napapangisi lalo at nagtaas-baba ng mga kilay!
In fairness, ang hot niya lalo sa umaga lalo na't napakaaliwalas ng gwapong mukha. Sabog-sabog pa ang buhok nito at nakabulandra sa paningin ko ang namumutok niyang mga pandesal! Kagigising ko pa lang pero. . . busog na busog na ang mga mata ko sa ka-yummy-han ng mokong na 'to! Sarap lantakan haist!
Napakurap-kurap ako nang mapapisil ito sa baba ko at itiningala dito ang mukha ko. Matamis itong ngumiti na halos ikasara na ng kanyang mga matang nangingislap. Bumaba ang paningin nito sa aking mga labing ikinalunok kong napakagat ng ibabang labi. Dinig na dinig ko naman ang paglunok nito.
"H-hoy, lumayo ka nga. H-hindi na ako magpapahalik sayo, noh?" nauutal at mahinang asik ko.
Napahalakhak naman itong tumuwid ng tayo na pinahid ang gilid ng bibig ko.
"Asa ka naman, may laway ka, sweetie. Pinahid ko lang," ngising kabayo nitong pang-aasar!
Effective naman dahil uminit ang pisngi kong halos lumuwa ang mga mata na kaagad napapahid ng bibig! Malutong itong napahagalpak ng tawa na tuwang-tuwa na naman sinisira ang magandang gising ko!
Sinamaan ko ito ng tingin. Napapahawak na kasi ito sa tyan sa kakatawa! Nakakainis.
"Bwisit ka!" asik ko.
"Peace be with you, sweetheart," ngisi nito na napa-peace-sign pa. Inirapan ko ito.
Nagdadabog akong nagtungo ng banyo para makapaghilamos na! Nakakainis siya. Pahiyain ba naman ako?
"Sweetheart, peace na tayo. Ito naman, 'di na mabiro," pahabol nito.
"Tseh! Pisti ka sa buhay ko, namo!" sigaw ko na pumasok ng banyo.
Dinig ko pa ang malutong niyang paghalakhak na tuwang-tuwa na namang na-bad-trip niya ako ng kay aga-aga! Banas! Sarap tirisin ng itlog niya ng mabaog na siya shutah!
"Pasalamat ka, gusto kita. Pisting yawa ka talaga," bubulong-bulong maktol ko.
Tumapat ako ng shower head na naghubad ng roba at naligo na lamang para mabawasan ang init ng ulo kong kagagawan ng . . . pisting Di Caprio na 'yon!