ALDRICH: MARIIN akong napapiki habang nakatapat ng shower head. Naglilinis ng katawan na sinukaan lang naman ni Monica. Ang babaeng 'yon. Akala ko pa naman hahalikan na ako e! Naiiling na lamang ako dito. Nilasing ko siya para sana mapaamin ko kung may gusto ba ito sa akin. Kung may itinatago ba itong feelings sa akin. Pero s**t naman. Bakit kay Alden na kakambal ko siya may gusto?! Kung alam lang niya. Tsk. Napakababaero din kaya non. Kaya nga wala pang kasintahan 'yon dahil hindi siya 'yong tipo na mapapaibig basta. Kainis naman e. Bakit kasi 'di na lang ako e! Ako itong palaging nandidito na kasa-kasama sa lahat. Pero hindi manlang magkagusto sa akin ang sweetheart ko. Nakakasama ng loob! Matapos kong maglinis ng katawan ay si Monica naman ang nilinisan ko. Nangangatal ang

