Chapter 19 Kinabukasan ay maaga si Martin sa kanyang opisina sabik siyang makita ang kanyang mga tauhan at alamin ang naging takbo ng negosyo habang wala siya. “Miss Chin pakipatawag mo si Mr. Valdez at gusto kong malaman ang takbo ng negosyo ng detalyado habang wala ako,” utos ni Martin. “Okay po sir ngayon na po ba?” tanong ni Miss Chin “Yes please and paki-update ako sa schedules today pati na yung mga nakaset na appointment,” paalala ni Martin habang isa isang binubuklat ang bungkos ng mga papeles na pirmahin niya na nasa ibabaw ng kanyang mesa. “Today sir ay kailangang mapirmahan lahat ang mga papeles na nasa table mo, then after lunch ay may meeting kayo sa Hotel Rivas with Mr. Lim then at three o’clock naman ay kay Congresswoman Versosa at ipapaalala ko na sir next week po ng s

