Chapter 28 Dinala na sa interrogation room ang truck driver at pahinante para tanungin tungkol sa mga kargamentong nahuli sa kanila. “Ang mabuti pa ay umamin na kung sino an nag utos sa inyo na dalhin ang kargamento kung ayaw mong magpatong patong ang kasong isasampa sa iyo,” wika ni PO2 Pierre sa driver ng truck. ‘”Sir wala po talaga akong alam sa mga drogang nakuha ninyo sa dala naming kargamento matagal na po akong driver pero ngayon lang nangyari na magkaroon ng ganyang sitwasyon,” sagot ng driver. “Matagal mo na palang ginagawa ang ganitong transaksyon at hindi mo kamo alam na may ilegal na droga kung ganon sino kaya sa palagay mo ang makakasagot sa mga tanong namin ng maayos?” napipikogn tanong ni PO2 Pierre. “Ang mabuti pa ay tawagan mo na ang amo mo at papuntahin dito para siy

