Chapter 38 Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ng magtanong si Manong Berto, “ Sir Martin sa hotel muna po ba tayo tutuloy nila Ma’am Ellize?” tanong nito. “What do you want sweetie mag drop muna tayo sa hotel or later na lang sa labas na tayo maglunch nila Manong Berto?” tanong ni Martin kay Ellize. “Depende sweetie sa reservation mo sa hotel kung pwede na tayong mag check-in ngayon okay lang at okay din sa akin if mag lunch na tayo sa labas then mag visit sa mga tourist spots saka tayo pumunta sa hotel later,” sagot ni Ellize. “Whoah mukhang umikot ang tanungan pero sa akin ang huling el bimbo,” natatawang sagot ni Martin kina Ellize at Mang Berto. Natawa naman ang dalawa sa komento ni Martin na kunyari pang tinapik ang noo na sumakit ang ulo. “Okay sige since sa labas naman tayo ka

