Chapter 46 Pumayag na rin si Ellize tutal ay ilang minuto lang naman ay nasa condo unit na niya sila. Habang nasa biyahe ay tahimik pa rin siya at nirespeto naman iyon ni Marco na ginamit na lang ang waze ng kanyang sasakyan para sa direksyon patungo sa bahay niya. “Thank you so much Sir Llanada sa time and snacks sana kung sakali na kontakin kita ulit ay hindi ka madadala,” wika ni Ellize bago sila bumaba ng sasakyan. “Any time Miss Ellize nasa iyo naman ang contact number ko and pahinga ka Ma’am baka masyado kang napapagod sa trabaho,” sagot ni Marco bago tuluyang nagpaalam at kumaway ng sasakyan para makabalik sa restaurant kung saan naiwan ang sariling motorsiklo. Pagkaalis ni Marco ay pumasok na sa bahay si Ellize dire-diretso ito sa kanyang silid at pabagsak na humiga sa kanyang

