Chapter 30 “Pakner you won’t believe this mukhang tama ang amoy mo sa mayamang negosyante na yun,” bungad ni Pierre. Tinitigan naman ito ni Martin sa paraang maipaparating niya ang mensahe at mabuti na lang at nakuha nito ang mensahe niya. Kakamot kamot ng ulo na napahinto sa pagsasalita si PO2 Pierre na walang nagawa kundi mag peace sign alam na niya na ayaw pag usapan ni Marco ang detalye ng may ibang nakakarinig sa loob ng opisina. Muling tumutok sa ginagawa si Marco at pasimpleng nagpadala ng mesahe kay Pierre. “Luko-luko ka talaga sinabi ko na sa iyo na its a very confidential case napakaingay mo pa talaga hindi natin alam baka may galamay o tuta dito si Evangelista,” sermon ni Marco. “Shori na,” sagot ni Po2 Pierre na may pabebe pang emoticon. Napailing na lang si Marco ng mab

