Chapter 1

1275 Words
Axcel’s POV Naglakad ako papasok sa loob ng classroom nang bigla kong naramdaman na parang may kakaiba. I sighed. Lagi namang may kakaiba. Hindi ko na lamang pinansin iyon at pumasok na lang sa loob. Mabilis ko namang naramdaman ang paghulog ng tubig mula sa timba na pinatong ng kung sino sa taas ng pinto. “HAHAHAHAHAHAHA” “Ang bobo mo naman Axcel.” “Auto ligo ka na nyan.” Dumiretso ako sa upuan ko and didn’t bother to dry my clothes. I don’t even have any spare clothes to use. This is what my life looks like everyday. Being a joke to my classmates is my job. But kahit pagtawanan man nila ako, wala akong pake. I just want to finish my studies to graduate and get a high paying job to live the rest of my life. “Axcel.” Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Ralph. Somehow, a friend of mine but I know he’s also one of those people who like to backstab their friends. “What is it?” Walang emosyong tanong ko. “Hindi ka ba magpapalit? Parating na yung teacher.” Sabi niya while acting like he care for me. Too plastic. I shrug my shoulders at binalik ang atensyon ko sa blackboard. The whole day passed like a wind. Little did I know, the schoolbell already rang. Natuyo na ang uniform kong kanina lang ay basang-basa. Pati na rin ang bag ko. Buti na lang water proof iyon at hindi nabasa ang ilang mga gamit ko na nasa loob. I wear my earphones at sinaksak sa phone ko bago ibulsa ito. Niligpit ko ang mga gamit ko at lumabas ng room. Agad ko namang nakasalubong ang mga taong nagbubulungan na naman tungkol sa akin. “That’s Axcel, right? ‘Yung anak ng wanted criminal?” “Bakit pa kasi nandito iyan? Dapat nasa kulungan na yan kasama ng tatay niya.” “Sigurado ako tinatago lang niya ang tatay niya.” At marami pang bulungan ang narinig ko. Nilakasan ko ang volume ng pinapatugtog ko para hindi na sila marinig. Does being a child of a wanted criminal gave you a popularity? Yes, it is but in negative way. Puro mga tsismis ang maririnig mo sa iba’t-ibang sulok ng school. Kahit mga teachers sa faculty room pagtstsismisan ka. I tried to tell them all that I don’t even know the whereabouts of my father but they just didn’t seem to care. Kahit ang mga pulis ng NBI ay 24/7 naka-monitor sa akin. I freaking look like a popular artist na may bilyong fans sa security na nakabantay sa akin. Paglabas ko ng school, mabilis kong napansin ang dalawang tinted cars na nakaparada sa gilid. For sure nasa loob niyan ang mga bodyguards ko na naka-schedule ngayong araw. Naglakad ako pauwi sa bahay at hinayaan na lamang ang dalawang kotse na sumunod sa akin. Nilock ko agad ang pinto pagkapasok ko sa loob. If I didn’t do that, they will just try to invade my privacy again. Binaba ko ang bag ko and open the television. Bumungad agad sa akin ang balita tungkol sa tatay ko. Mabilis kong pinatay ang tv. I don’t know where he is now and I don’t even care about it. It’s already been a year simula nang umalis siya at simula noon, hindi na siya nakabalik o nagparamdam man lang. Mabuti na lamang ay may naiwang pera ang nanay ko bago ito pumanaw noong nakaraang taon. Kami na lamang ang naiwan ng tatay ko noon, ngunit nang umalis siya, naging mag-isa na lang ako sa bahay. I don’t even know why he wanted to leave. Maybe he already had enough of our living? Kahit mayaman kasi kami noon, nawala lahat sa isang iglap dahil sa pagpapagamot kay mama. But then, just after a few weeks after he left our house, he become a wanted person. Kalat sa buong mundo ang mukha niya as a serial murderer. After that, wala na akong pake sa kaniya. “Tao po.” Tumayo ako at dumiretso sa pinto. Inalis ko ang pagkakalock doon bago ito binuksan. I immediately saw a delivery man holding a letter. Napakunot ang noo ko. As far as I know wala akong ginawang kahit anong deliveries. Why is he here? “Kayo po ba si Axcel Kier Rivera?” Tumango ako sa naging tanong niya. “Yes, it is me. Bakit?” He handed me the letter, a pen and a paper. “Paki-pirmahan na lang po ito para mareceive yung letter.” Kahit naguguluhan man, ginawa ko pa rin ang sinabi niya. Pinirmahan ko ang papel na hawak niya and he gave me the letter. Lumingon ako sa kinaroroonan ng mga pulis at nakita ko din silang nakatingin sa akin…no…they are looking at the letter. “Salamat po.” Sabi ko bago sinarado ang pinto at ni-lock ulit ito. I immediately open the letter, thinking it might be from my father but it wasn’t. Andromeda? Nagtatakang basa ko sa pinanggalingan ng letter. Greetings Mr. Axcel Kier Rivera! We are delighted to inform you that you are invited to join the first dry run of the virtual reality game called Andromeda. If you receive this letter, please come to Black Tower Building in Tuesday, January 11, 2022. Your presence is highly valued in this event. Thank you! Sincerely, Chevron Gaming Corporation What the hell is this? Nilapag ko sa table ang letter. If the police want to take this letter, I am hundred percent willing to give this to them. I am not even fond of games and I don’t even know how this company know my name. Pumasok na lamang ako sa kwarto at nagpahinga. •~• KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil mayroon na namang nagkukumahog na pumasok sa bahay gamit ang bintana. Nagtulug-tulugan ako ngunit hindi ko rin kinaya nang marinig ko ang pagbasag ng isang vase sa sala. “What the hell?!” Sigaw ko sa lalaking nakabasag ng vase. “Hehehe. Axcel nagising ba kita?” Awkward na tanong niya habang papasok sa kwarto at kinakamot ang ulo nito. “Sinong hindi magigising sa ginawa mo, Tito Bry?” Walang emosyong tanong ko. Pilit na ngiti ang ginawad niya sa akin bago tumingin sa kamay niya na hawak na ang letter galing sa isang laro. Tito Bryan is a police officer from NBI. He is my mother’s youngest brother at sa pagkakaalam ko ay close sila ng tatay ko base sa mga occasions na magkakasama sila. When he learned about my father’s sudden disappearance and being a wanted murderer, nagkusa siya na sumali sa paghahanap sa tatay ko. He even took time to visit me—kahit na medyo may pagkatanga siya. Tulad ngayon, may susi naman siya sa lock ng pinto ng bahay pero sa bintana pa din siya dumaan. “Sure ka na hindi ito galing sa papa mo?” Tanong niya sa akin habang sabay kaming kumakain. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tanong na niya sa akin iyan. “Oo nga. Ang kulit mo naman eh. Hindi maalam si papa sa technology. Ni-selpon nga na dipindot hindi marunong gumamit iyon,” Sagot ko pagkatapos mailagay sa hugasan ang platong pinagkainan ko. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko pa din siyang titig na titig sa letter. I sighed in disbelief. Hindi ba siya mabubuhay kapag hindi niya nahanap si papa? It’s been a year simula nung umalis ang lalaking iyon. We should just move on. Mabilis kong kinuha ang bag ko at pumanhik paalis ng bahay. Maybe it’s really much more great if nasa school na lang ako lagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD