Sasakay na sanang muli sina Airah sa kotse ngunit nagulat sila dahil nasa loob si Aikoh.
"Yung cellphone ko." Sabi niya na nakalahad ang isang kamay. Tumingin naman si Alvira kay Airah.
Dinukot ni Airah ang isang cellphone mula sa bulsa at iniabot kay Alvira na ipinagtataka nito.
"Siya dapat ang sinampal mo kanina. Saka ibibigay ko ito sayo at ikaw na ang bahala kung babasagin mo din ba o isusuli mo sa kanya. Bahala ka na kung sa anong paraan gusto mong bumawi sa kanya. Sayo naman kasi siya nagkamali e."
Napatitig naman si Alvira sa cellphone ni Aikoh. Bago ito kinuha.
Naglabas naman ng box si Aikoh. "Ito na ang bago mong cellphone. Papalitan ko na. Ibigay mo lang yan sa akin." Sabi ni Aikoh at akmang kunin ang cellphone ngunit inilayo ni Alvira.
"Kasalanan mo naman pala lahat e. Kaya babasagin ko nalang din itong cellphone mo para makaganti ako sayo." Sabi ni Alvira.
"Subukan mo lang kung gusto mong magulo ang buhay mo." Banta naman ni Aikoh na ikinatigil ni Alvira. Halatang natakot sa banta ni Aikoh sa kanya.
Ngumiti naman si Aikoh
Ngiti na may halong pagbabanta.
Kinuha naman ni Airah ang cellphone mula kay Alvira at binitiwan na ikinalaglag nito sa lupa.
"Wag!" Pigil ni Aikoh ngunit nalaglag na ang cellphone niya. "Binilhan ko na nga siya ng cellphone di ba? Ano pa bang gusto mo? Bakit mo nilaglag!" Halos pasigaw ng sambit ni Aikoh at bumaba sa kotse.
Halos malaglag na ang puso niya makitang nakapatong na ang isang paa ni Airah dito.
"Kinuha ko ito para marealize mo kung ano ang mali mo pero sa halip na magsorry ka nalang dahil hindi na maibabalik pa ang anumang pinsalang dulot ng ginawa mo nagbabanta ka pa?" Matalim ang tingin na ibinigay ni Airah sinamahan ng ngiting nanghahamon.
Akmang lalapit si Aikoh ngunit napatigil dahil sa banta ni Airah
"Isang hakbang pa at basag itong cellphone mo."
Makita ang seryosong mukha ni Airah napatigil siya sa paghakbang. Nag-alala na baka aapakan ni Airah kanyang cellphone.
"Oo na. Sorry na okay?"
"Hindi ka sincere at sa maling tao ka humingi ng sorry." Sagot ni Airah. Kasunod nito ang tunog ng nabasag na cellphone na ikinapula ng mukha ni Aikoh sa galit.
"Bagong salta ka lang dito tapos ang lakas ng loob mong gawin sa akin ang bagay na ito? Pagbabayaran mo ang pagbasag sa cellphone ko."Akmang kuwelyuhan si Airah ngunit napaluhod dahil hindi niya inaasahang sisipain siya ni Airah sa tuhod.
"Wag mo akong pagbantaan. Kamao at paa ko pa naman ang pinapagsalita ko at hindi bibig."
Inalis na ni Airah ang paang nakaapak sa cellphone.
"Yung mga assignments at mga report ko." Tiningnan niya si Airah na namumula na ang mga mata sa galit.
"I lower my pride yet you still broke my phone." Parang ano mang oras ay sasapak na si Aikoh dahil sa galit.
Nginitian naman siya ni Airah. "Anong nararamdaman mo makitang hindi mo na mapapakinabangan ang bagay na pinagpuyatan at pinaghirapan mong gawin?" Nakataas kilay na sambit ni Airah.
Naikuyom naman ni Aikoh kamao at nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Airah. Tumaas namang lalo ang isang sulok ng labi ni Airah makita ang nagngingitngit na lalake. Nagkibit balikat siya at tinapik-tapik ang balikat ni Alvira.
"Siguro naman alam mo na ang pakiramdam ng iba at kung ano ang nawala sa kanila dahil sa ginawa mo." Sabi ni Airah at sumakay na sa kotse. Sumunod naman agad si Alvira sa takot na siya ang magantihan ni Aikoh.
Ilang sandali pa'y humarurot na ang kotse. Naiwan naman si Aikoh na galit na galit. Kung nagmumura lang siya baka binanggit na niya ang lahat ng mura sa mundo.
"Alam mo ba kung ano ang nawala dahil sa ginawa mo?" Salubong ni Arthur kay Airah pagdating sa mansion. Si Alvira naman dahan-dahang umakyat sa kanyang kwarto para hindi mapansin ng Tiyuhin.
Mahinahon ang pagtatanong ni Arthur dahil naiilang parin siyang kausapin ang anak na ito. Kapag kasi tumingin ito sa kanya para siyang stranger sa mga mata ng dalaga.
"Naiwala ng kompanya ang isang malaking investment dahil sa ginawa mo. Kung gusto mong turuan ng leksyon ang tito mo wag naman sana yung mga files niya ang kinuha mo? Nakalagay don lahat ng mga confidential files na kailangan namin sa conference tapos tinangay mo dahil nagalit ka sa tito. Mas mahalaga yun dahil nakasalalay ang buhay ng kompanya sa mga files na iyon."
"Wag mo na ulit gawin ang mga bagay na ganito okay?" Hindi kasi siya natutuwa sa ginawa ni Airah dahil sa halagang nawala sa kanila.
"Iniisip niyong sumusobra na ang ginawa ko dahil simple lang naman ang nawala kay Alvira. Pero hindi niyo ramdam na katumbas na rin ito sa buhay niya dahil nakasalalay rito ang pag-aaral niya at kinabukasan niya. Pinipilit niyang gawin ang lahat para maabot ang ninanais niyo at maging isang karapat-dapat na mapabilang sa pamilyang ito."
Si Alvira naman na nasa likod ng pintuan niya wala sa sariling tumango-tango. Nakikinig lang siya ngunit takot makita dahil alam niyang may parusa na naman siya kapag natuon ang atensyon sa kanya.
"Pinaghirapan din niya ang bagay na iyon ngunit bigla lang nawala. Walang pinagkaiba sa halaga sa mga files na sinasabi niyo. Ngayong naramdaman niyo na ang pakiramdam kung paano mawala sa inyo ang anumang pinaghirapan niyo? Siguro naman naiintindihan niyo na kung gaano ito kasakit?" Hindi nakapagsalita si Arthur at nakatitig lamang kay Airah.
"Ginagawa ko ito hindi dahil sa gusto ko siyang kampihan. Alam ko lang kung ano ang pakiramdam kung ang mga bagay na katumbas sa buhay mo ay sisirain lamang ng iba at iisiping isa lamang itong simpleng bagay na di dapat bigyang halaga."
May mga bagay na walang halaga sa iyo ngunit napakahalaga na ito sa iba. Hindi rin lahat na sa tingin mo na hindi importante ay wala ng halaga.
"Gusto kong maramdaman niyo rin at maintindihan na hindi lahat ng mga walang halagang bagay o simpleng bagay na nakikita niyo ay walang silbi o kunti lang ang halaga. Posible kasing katumbas na pala nito ang buhay at kinabukasan ng iba."
Hindi makakalimutan ni Airah ang nangyari noong six years old pa lamang siya. Wala siyang kasama sa bahay. At gutom na gutom. Ang tanging meron siya ay ang limang piso na siyang natira sa kanya na iniwan ng kanyang ina bago ito pumunta sa trabaho.
Umalis siya upang bumili ng tinapay. Sabik na sabik na siyang kainin ang isang pirasong tinapay na nabili niya. Ngunit isang bata lalake ang tumatakbo at nasagi siya. Tumilapon ang hawak niyang tinapay at nahulog ito. Hinawakan niya ang bata at sinabing palitan ang tinapay niya.
Ngunit inapakan ito ng bata at sinabing "Para isang piraso lang ng tinapay magagalit ka na?" Sinipa ng batang lalake ang tinapay palayo at naka-smirked na nakatingin sa batang Airah. Kasunod nito ang malakas na sigaw ng batang lalake dahil sinapak niya.
Dumating ang mga bodyguards na tila bodyguards ng batang lalake.
"Alam mo bang hindi pa nababayaran ng buhay mo ang buhay ng batang sinapak mo?" Ito ang sinabi ng bodyguard sa batang Airah at inangat pa ito sa lupa habang hawak ang kuwelyo niya.
"Isang tinapay lamang iyon pero sinapak mo na ang young master. Masisira na ang buhay namin dahil may nangyaring di maganda sa young master dahil lang sa isang piraso ng tinapay mo. Kaya pagbabayaran mo yun." Galit na sabi ng bodyguard.
Kinagat ng batang Airah ang kamay ng bodyguard para mabitiwan siya saka tumakbo palayo. Muli pang sinapok ang batang lalake na nadaanan niya at nilabasan pa ng dila bago siya nagpatuloy sa pagtakbo. Hinabol naman siya ng mga bodyguards. Kaya lang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila dahil sa paghahabol sa batang Airah.
Tandang-tanda pa niya ang mga araw na iyon dahil hinimatay siya sa pagod at gutom. Doon din nagsimula ang pagkasuklam niya sa ina. Ngunit kahit papano ina parin naman niya ito. Kahit iniwan man siya ito parin naman ang bumuhay sa kanya sa loob ng anim na taon.
Kung hindi siya natagpuan ng Papa Andrey niya baka wala na siya sa mundong ito. Kinupkop siya ni Andrey at itinuring na anak kahit na abala ito sa trabaho ginagawa parin niya ang lahat ng paraan para mapalaki si Airah ng maayos.
Dito naisip ni Airah na hindi sa dugo masusuri ang pagiging magkapamilya kundi ang puso at pagmamalasakit sa kapwa. Aanhin ang isang pagiging magkadugo kung sa dugo lang sila magkapamilya at hindi sa puso, sa kilos at sa gawa?
Kung ama niya nga ang kaharap niya ngayon. Iparamdam niya at hindi ipakita lang ang DNA test result nila na sinasabing magkadugo sila.
Ibinigay ni Airah ang isang laptop at isang cellphone kay Arthur bago siya muling umakyat sa grand staircase.
"Sabihin mo sa pinakamamahal mong anak na sa susunod totohanin ko na." Pahabol ni Airah. Hindi naintindihan ni Arthur kung ano ang sinasabi nitong totohanin niya.
Hapon na nang nang makabalik si Aikoh sa mansion at sobrang badmood. Halos ayaw ng ihakbang ang mga paa. Sinipa pa niya ang nakitang paso sa tindi ng inis niya. Pabagsak siyang umupo sa couch at hinilot ang sentido at ipinikit ang mga mata.
Naidilat ang mga mata nang makita ang ama saka napatingin sa cellphone na nasa maliit na lamiseta. Mabilis siyang napatayo at dinampot ang cellphone saka nakitang ito yung cellphone niya.
Para siyang nabunutan ng tinik ngunit maisip na ni-prank siya ni Airah hindi niya maintindihan kung magagalit pa ba siya rito o magso-sorry ngayong narealize niya ang pagkakamaling ginawa niya.
"Siguro naman, bawas-bawasan mo na ang p**********p mo sa kapatid mo. At sana magiging leksyon na ito sayo."
Tiningnan naman ni Aikoh ang ama.
"Nagsisi ka na ba?" Patuyang tanong ni Aikoh sa ama.
"Aikoh." Banta ni Arthur dahil nagsisimula na naman ang anak.
"Nagsisi ka na ba kung bakit pa ako naisilang sa mundo? Kundi kasi ako naisilang malamang kasama mo na ang babaeng tunay mong minahal."
"Tumigil ka na." Pigil ni Arthur. Inaamin niyang isang pagkakamali ang pagkasilang ni Aikoh. Isa sa dahilan kung bakit nilayuan siya sa babaeng mahal niya. Pero nangyari na ang lahat. Hindi na mababago pa ang lahat. At gusto na niyang kalimutan ang mga bagay na iyon.
"Kung di ka lang sana nagkaroon ng isang anak na katulad ko hindi rin sana magagalit sayo ang anak ng babaeng pinakamamahal mo."
Huminga naman ng malalim si Arthur. "Kahit isa kang malaking pagkakamali itinuring parin kitang anak. Kahit nawala ang babaeng mahal ko tiniis ko iyon at sinubukang maging mabuting ama sayo. Hindi pa ba sapat yon? Hindi mo man lang ba inisip na naisakripisyo ko ang kaligayan ko nang dahil sayo? Kaya wag mo akong tanungin ng ganyan. Hindi man ako naging mabuting asawa ngunit hindi ako naging masamang ama sa inyo. At wag mo akong husgahan dahil katiting lamang ang alam mo sa kung ano ang totoo."
"May mga bagay na dapat mong malaman at hindi malaman. At kung sinisisi mo rin kung bakit ako pa ang nagiging ama mo at kung bakit nagkaroon ka ng ganitong uri ng pamilya wala akong magawa. Nasa iyo ang pasya. Malaya kang umalis kung gusto mo. Walang pipigil sayo."
Dahil sa sinabi ni Arthur pumagitna na si Nova.
"Pagod lang ang bata. Mamaya na lamang kayo mag-usap muli." Sabi agad ni Nova at inalalayan na si Arthur pabalik sa kwarto nila.
"Kayo ang pinili ko kaya sana wag niyo namang hayaang pagsisihan ko kung bakit kayo pa ang napili ko sa halip na iba." Sabi ni Arthur bago tinalikuran ang asawa at anak.
Marami siyang ibang babae. Ngunit si Nova ang pinili niya dahil sa gentle personality nito at palage siyang inuunawa. Higit sa lahat naawa siya sa sitwasyon nito noon kaya niya pinakasalan. Isang desisyon na nagiging dahilan kung bakit nawala sa kanya ang pinakamahalagang bagay sa buhay niya.
Mas lumaki ang tensiyon sa loob ng mansion dahil sa nangyari. Nagiging cold ang pakikitungo nina Arthur at Aikoh sa isa't-isa. Sumakit naman ang ulo ni Arthron dahil sa sunod-sunod na problema sa kompanya nila.
Wala silang sinabi sa Don sa pag-aalalang baka lumala ang kalagayan nito.