Chapter 31: Bagay maging artista

1474 Words
*** Napangiti si Janice. Hindi kasi niya inaasahan na may magbibigay sa kanya ng ebidensya laban kay Airah. Iniisip niyang katulad ng ibang mga apo ng Don mapapaikot din niya ang babaeng ito. "Isang pasa ko lang sa video sa ginagawa mo tiyak na sira agad ang reputasyon mo." Banta ni Janice sa kanya. Ang video na sinasabi niya ay ang paglabas niya sa mansion sa hatinggabi at kinabukasan nadisgrasya si Aikoh. Maaaring iisipin ng iba na sinadya ni Airah na tanggalin ang break ng kanyang motorbike at siya ring tumawag ng mga aatake sa kanya para siraan ang ibang mga apo ng Don. Kaya lang hindi nagtagumpay ang plano dahil hiniram ni Aikoh ang kanyang motorbike at ang lalake ang nadisgrasya. "Sa pamamagitan nito, malalaman nilang sinadya mong sirain ang break ng iyong motorbike para sisihin ang iba. Tama ba ako? Kaya kung ayaw mong ipapasa ko ito sa mga reporters o sa iyong lolo, sundin mo ang anumang sasabihin ko." Banta ni Janice at ngumiti. Kaya lang hindi niya nakita ang inaasahan niyang reaksyon dahil hindi nabahala ni mag-alala ang dalaga. "Sino ang tinatakot mo Mrs. Janice?" Sagot ni Airah at uminom sa hawak na isang baso ng juice. "Alam ko ang lahat ng mga ginagawa mo. Hawak mo sa leeg sina Aikoh, Raven, Throne, Alvira at Ava. Napapasunod mo sila sa ano mang gusto mo gamit ang anumang itinatago nilang mga lihim at dahil sa alam mong takot sila kay lolo." Sabi ni Airah at ngumiti. "Sad to say hindi ako sila. Hindi ako rightful heiress na masunurin at may good girl sa mga mata ng Don. I am the bad Heiress of Don Art. Do you think kailangan ko pang ingatan ang sira ko ng reputasyon?" Kilala siya bilang isang monster sister kaya wala siyang reputasyon na dapat pang alagaan. Wala namang mawawala sa kanya kahit pa madadagdagan ang panget niyang reputasyon. "Gusto mo bang tuluyan ng bumagsak ang Lionheart business empire nang dahil sayo? Kung kakalat sa media ang ginawa mo siguradong matatanggal ka bilang tagapagmana ng Don. Pwede ka pang makulong. Sakali mang ikaw ang pipiliin ng Don na magmamana sa alinman sa mga business niya siguradong babagsak lang ito dahil sa ginawa mo sa sarili mong kapatid at sa maduming reputasyon na makukuha mo dahil sa video na ito." Sabi ni Janice. "Matanggal man ako sa pagiging heiress do I look like I care? Nabuhay akong wala ang yaman ng Don at mabubuhay akong wala iyon kaya wag mong ginagawang panakotbiyang pagiging heiress ko." Sagot niya at nagkibit-balikat. "Saka tandaan mo, heiress ako kaya dapat alam mo sana ang nagagawa ng isang heiress na katulad ko." Hindi talaga maintindihan ni Airah kung anong lihim ba ang tinatago nina Aikoh at sa iba pa para magiging sunod-sunuran sila ni Janice at sa buong pamilya nito? "Then wait for your destruction." Sagot ni Janice at tatayo na sana ngunit naestatwa makita ang mga larawan na inilabas ni Airah. "Gusto mo bang isa-isahin ko ang mga baho niyo?" Nakangiting sabi ni Airah. Lumapit kay Janice at bumulong sa tainga nito. Ipinakita ang mga larawan ni Janice na may kasamang ibang lalake sa isang kama. "O baka naman gusto mong ipaalam ko sa lahat ang video scandal ng anak mo?" Tanong pa ni Airah na lalong ikinaputla ng mukha ng ginang. "Pwede ring ipaalam ko sa asawa mo na hindi siya ang ama ni Dianne. Pwede ko ring ipaalam sa lahat na anak mo ang inaakala ng lahat na pamangkin mo? Mamili ka, umalis ka na o pasisikatin kita?" Ibang uri ng kasikatan nga lang ang makukuha ni Janice. Nanlalaki ang mga mata ng ginang habang nakatingin sa dalaga na tila ba nakakita ng isang halimaw. "Paano mo... Pa'no mo nalaman ang mga bagay na iyan?" Nanginginig ang mga labi niya at mababakasan ng takot, gulat, pagkabahala at pangamba ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Airah. May secret backer man di Janice meron din naman si Airah. "Umalis ka na." Mariing sabi ng dalaga. "I'll leave. We'll leave." Mabilis na sambit ni Janice at halos tumakbo na. Napasandal naman si Airah sa upuan. "Madali lang talunin ang Janice na iyon pero ang backer niya ang mahirap talunin at hanapin." "May kinalaman kaya ang taong yun sa nangyari kay lola?" Tanong pa niya sa sarili. *** School... "Alam niyo bang matagal na palang natanggal sa trabaho si Madam Janice?" "Na-expelled din sina Dara at Rosalia kasunod nina Nancy at Dianne." "Balita ko lumipat na rin ng paaralan si Jenessa." Napakunot ng noo si Ava sa narinig ns na usapan ng mga kaklase niya. "Ilang linggo palang ng babaeng iyon pero ang dami ng napatalsik sa school na ito. Ano na lamang ang mangyayari sa paaralang ito Ava kapag araw-araw na lang may napapatalsik?" Tanong ni Melanie kay Ava. "Oo nga Ava. Mapapasara ang paaralang ito kapag siya palage ang nasusunod. Biruin mo, lahat ng galit sa kanya ipapaexpel niya? Sabihin mo nga, bakit siya na ang tila may-ari ng paaralang ito? Apo din naman kayo ni Don Art a." Sabi din ni Beth na lalong ikinasama ng mukha ni Ava. Napangiti pa ito makitang galit na galit na ang kaibigan. Nang malaman ni Ava na pumasok na sa klase si Airah, agad niya itong hinarang. "Airah. Ano ba itong ginagawa mo? Sa tingin mo ba ikakatuwa ni lolo itong pinagagawa mo? Binabawasan mo ang mga nag-aaral sa paaralang ito dahil lang sa ayaw mo sa kanila?" Sabi ni Ava sa kinaiinisang pinsan. "Di mo ba alam na isa ang pamilya ni Jenessa ang nag-i-sponsor sa paaralang ito?" Dagdag pa niya. "Wag ka ng magalit. Ginagawa lang naman ni Ate Airah kung ano ang dapat. Saka hindi naman siguro magagalit si Lolo e." Sabi ni Aikah na napadaan lang sana kaso sumingit bilang isang good sister. Napataas naman ang kilay ni Airah sa narinig. Napatingin siya kay Aikah. Kahit kasi bata pa ang edad niya marami na siyang nakikitang mga tao na kunwari tumutulong ngunit pinapalala lamang pala ang sitwasyon. Hindi niya alam kung nagkunwari lang ba si Aikah na walang alam o sinasadya talaga niyang mas lalong magagalit si Ava? Magiging dalawa kasi ang kahulugan ng sinasabi niya. Depende na lang sa kung paano ito bigyang kahulugan ni Ava. Para na kasing sinasabi ni Aikah na ginagawa ni Airah ang lahat ng gusto niyang gawin dahil alam nitong hindi naman magagalit si Don Art. "Wala ba talaga siyang alam o sinasadya talaga niyang sabihin ang mga bagay na ito para maipaalala kay Ava na ako ang paborito ng Don?" Sambit ni Airah sa isip habang nakatingin kay Aikah. Makikita sa mga mata ni Aikah ang pag-alala at mukhang hindi ito umaarte pero hindi nakaligtas sa paningin ni Airah ang bahagyang pagngiti ni Aikah nang marinig ang sagot ni Ava. Saglit lang ito at di agad mapapansin ng iba. "Hindi dahil paborito ka ni lolo basta-basta ka na lamang nagdidisisyon na di niya nalalaman." Sabi ni Ava. "Sinabi mo pang may-ari ka ng Academy? Sigurado ka bang ikaw ang magmamana sa paaralang ito para sabihin mong ikaw na ang nagmamay-ari?" Hinding-hindi papayag si Ava na kay Airah mapupunta ang paaralang ito. Isa ito sa mga property ng Don na gusto niyang makuha tapos mapupunta lang sa mga kamay ng bagong dating na na apo ng Don? Hindi siya papayag. "This school is mine. Dahil sa simula palang sa akin na ito nakapangalan." Sagot ni Airah na lalong ikinasama ng mukha ni Ava. Walang nakapansin sa pagkuyom ng kamao ni Aikah. "Sasabihin ko to kay lolo." Sagot ni Ava at padabog na umalis. Agad namang sumunod ang mga kaibigan niya. Tinapunan ni Airah ng tingin si Aikah bago ito lagpasan. "Ate sandali." Tawag ni Aikah at hinabol si Airah. "Ate, nabigla lang si Ate Ava kaya ganoon ang reaksyon niya. Nag-alala lang ako na baka kung ano ang gagawin niya sayo." Sabi niya at nanginig pa sa takot na tila may naaalalang hindi magandang pangyayari. Nilingon naman siya ni Airah at tinaasan ng kilay. "Alam mo, may magandang trabaho ang nababagay sayo. Siguradong hahangaan ka ng lahat dahil dito?" "Trabaho?" Naguguluhang tanong ni Aikah. "Hindi bagay sayo ang business empire ng Don. Mas bagay sayo ang mag-artista. Wag kang mag-alala. Irerekomenda kita kay Director Liu. Siguradong papasa ka." Sagot ni Airah bago tuluyang iwan ang naguguluhang kapatid. Matagal din bago pumasok sa isip ni Aikah ang ibig sabihin ni Airah kaya nang maunawaan na ang sinabi ng kapatid saka namula ang mukha niya. "Iniisip ba niyang umaarte lang ako?" Sambit niya at tumalim ang tingin ngunit agad ding napawi at napalitan ng lungkot at pagka-inosente saka hinabol si Airah na parang di nakuha ang patuyang tono sa sinabi ni Airah sa kanya kani-kanina lang. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD