Naghintay si Aikah sa labas ng munting tahanan nina Aina. Hapon na nang makabalik ang mag-ina. Nagulat pa sina Aina at Dahlia makitang naghihintay sa labas ng kanilang bahay ang isang babaeng nakasumbrero, nakared scarf at nakasuot ng makapal na jacket. "Ate Aikah?" Gulat na tanong ni Aina. "Tuloy ka muna." Pumasok naman si Aikah at napansin niyang maliit lamang ang bahay na ito at mas malaki pa ang kwarto nila sa Lionheart mansion ang kabuuan ng bahay na ito. Mapansing balisa si Aikah nagtanong na si Aina. "May problema ba? Dahil ba kina tita?" Mahinang tanong ni Aina. Napatitig si Aikah kay Aina. Hindi niya mababakasan ng guilt o hatred ang mga mata ng kapatid kundi concern na tingin ang ibinibigay nito. "Mali ba si Ate Airah sa inaakala? Si Aina ba talaga ang may gawa? Paano kung

