Isang malutong na sampal ang muling dumapo sa pisngi ni Aikah malaman ng ina na hindi siya napili.
"Sinadya mo bang magpatalo dahil ayaw mong magiging lead star? Hinding-hindi ka na magpapiano kahit kailan." Sabi ni Nova.
Napayuko naman si Aikah habang butil-butil ng luha ang pumatak mula sa mga mata.
Magmula nang dumating si Airah palage na siyang pinipressure ng ganito ng kanyang ina. At dahil sa nawalang investment noon nang kunin ni Airah ang laptop kung saan nakalagay ang mga files ni Arthron lalo lamang nagiging busy sina Arthur at Arthron na naging dahilan kung bakit madalang na lamang silang umuuwi ng bahay.
Ngayong wala na sa mansion si Don Art nagiging mas malala na ang p*******t ni Nova kay Aikah.
"Bakit di mo gayahin ang kuya mo? Kabilang ang grupo niya sa play at isa din siya Basketball player ng school." Sabi pa ni Nova.
Matapos pagalitan ang anak, niyakap niya ito.
"Sorry. Nag-aalala lang talaga ako sayo. Gusto ko sana na may mararaging ka rin kaya naman pinipilit kita sa mga bagay na ayaw mo. Sorry kung nasaktan kita pero sana maintindihan mo ako Aikah." Lumambot na naman ang boses nito at pinahiran ang mga luha sa pisngi ng anak.
"Naiintindihan ko po mommy. Wag po kayong mag-aalala natanggal naman po akong maging second lead." Sagot ni Aikah na sumisinghot pa rin.
"Kung di lang inagaw ng babaeng iyon ang role na para sayo, hindi sana mangyayari to." Sambit ni Nova at buntong-hininga.
"Wala naman tayong ginagawang masama sa kanya pero bakit kailangan pa niyang pahirapan tayo ng ganito? Ayos lang kung ako lang ang pinapahirapan niya pero pati ba naman ikaw?" Sambit ni Nova at pinahiran ang luha sa mga mata.
"Tinanggap ko ang lahat ng ginawa ng kanyang ina sa akin. Kahit inagaw ng kanyang ina ang daddy mo sa akin tinanggap ko iyon pero bakit ba nila tayo ginaganito? Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko kasi kayang pakawalan ang daddy mo kaya siguro pinadala dito ng kanyang ina si Airah para kunin ang pagmahahal ng daddy at lolo mo mula sa atin."
Muli na namang lumambot ang puso ni Aikah at naaawa siya sa ina. "Mommy, wag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Wala po kayong kasalanan. Sila ang umagaw kay daddy bakit mo sinisisi ang iyong sarili?" Sagot ni Aikah ang muling niyakap ang ina.
Alam niya kung ano ang relasyon nina Arthur at Nova. Isa silang masayang mag-asawa sa mga mata ng mga tao pero ang totoo hindi natutulog sa iisang kwarto ang mag-asawa. Hindi lang sila naghihiwalay dahil palaging nagpaparaya si Nova kahit ilang babae pa ang gagawing kabit ni Arthur. Iiyak lamang si Nova sa isang sulok at saksi rito si Aikah. Kaya naman alam niya ang lungkot na pinapasan ng ina.
Naikuyom ni Aikah ang kamao. "Si Ate Airah at ang kanyang ina ang dahilan ng lahat. Ginaganito ako ni mommy nang dahil kay Airah. Kundi lang sana siya dumating hindi sana magiging ganito ang buhay ko ngayon. Ako din sana ang magiging lead star." Tiningnan niya ang ina. Awang-awa siya dito.
"Mom, magpahinga na muna kayo. Alam kong pagod na kayo." Inalalayan ang ina na humiga bago siya nagpaalam rito.
Si Airah naman nakasandal ngayon sa upuan niya habang pinagmamasdan ang ang palabas sa kanyang bagong biling laptop.
Makikita mula sa laptop ang ibat-ibang parte ng ng mansion. Kita niyang minumura siya ni Ava na nakahawak ngayon sa cellphone niya at nakaupo sa kanyang kama. Habang si Alvira naman naglalagay ng facemask sa mukha niya at nakahiga na ngayon sa kama nito.
Si Throne nasa kwarto nito na abala sa pagawa ng love letters niya at may mga nakakalat na mga papel sa mesa. Si Aikoh nagbabasa ng libro habang nakahiga. Sina Raven, Aiden at Aina nasa music room nagpapraktis sa mga dance steps na tinuro niya.
Nilagyan niya ng mga hidden camera ang mga silid nila para mamanmanan. Gusto niyang makahanap ng clue sa sinuman sa kanila kung paano namatay bigla ang kanyang lola Ayala at sa isa pang taong importante sa buhay niya.
"Ang galing magbrainwash ang babaeng ito." Sambit ni Airah habang nakatingin kay Nova na nakahiga na ngayon sa kanyang kama. Ngunit ilang sandali pa'y kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.
"Hindi na magiging lead star si Airah dahil ipapaexpel ko na siya bukas. Naipasa ko na ang lahat ng mga ginawa niyang p*******t sa mga kapwa niya estudyante. Kumpleto na iyan. Ako na ang bahala kina Arthur at Don Art. O sige. Siguraduhin niyo lang. Byebye." Sabi nito at ibinaba na ang cellphone.
"Ipapaexpel ako?" Nakangiting sambit ni Airah.
***
Kinabukasan, kumalat sa school forum ang edited video ni Airah na may binubog na mga estudyante. At dahil sa caption na hashtagschoolviolence, #bully, #littledevil, #LAmonster na umani ngayon ng samu't saring mga reaksyon mula sa internet.
["Bakit may mga ganyang estudyante ang pinayagang makapasok ng Lionheart Academy?"]
["Umalis ka na sa Lionheart Academy. Sinisira mo lang ang pangalan ng paaralan."]
["Sayang ang ganda mo miss, nang-aapi ka ng iba dahil lang sa mas lamang ang family background mo sa kanila."]
["Ginagamit ng babaeng yan ang family background niya para makapasok sa Academy na iyan. Kundi pa hindi-hindi siya kailanman tatanggapin ng paaralan."]
["Oo nga. Napilitan lang talaga ang principal."]
Ito na yata ang pinaka-mild na accusations na ibinibintang nila kay Airah. Pero kahit ganon marami naman ang nagdedefend kay Airah at iginigiit na wala siyang kasalanan. Pinrotektahan lang niya ang iba kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon.
"Direct hindi ba makakasama sa magiging outcome ng play kung may explosive behavior na ganito kalala ang magiging female lead star?" Sabi ng isa sa mga naatasang magmamanage ng theater play.
"Direk, may magandang reputasyon ang kailangan natin at hindi ang ganitong klaseng estudyante. Ano na lamang ang sasabihin ng iba sa atin kung ang napili nating gaganap sa play ay isang babaeng inaapi ang kapwa estudyante?" Sabi din ng isa pa.
"Hindi ko alam na may ganitong bad records pala ang batang ito. Pero bago ako manghuhusga gusto ko munang malaman ang totoo." Sagot ni Direk Liu.
***
Habang kumakalat ang pagiging badgirl at school bully ni Airah, ito naman siya at parang model na rumarampa sa fashion show.
"Hindi ba niya alam na pinag-uusapan siya ng mga tao ngayon at may mga magulang pang pumunta sa principals office at hiniling na patalsikin siya sa paaralang ito tapos siya mukhang enjoy na enjoy pa sa spotlight na nakukuha? Gaano ba kakapal ang mukha niya?" Di makapaniwalang sambit ng isang girl na naiinggit sa beauty ni Airah.
"Wag kayong ganyan. Kahit papano apo parin siya ng may-ari ng school kaya wala kayong karapatan na patanggalin siya." Biglang sabi ni Aikah na napadaan sa gawi ng mga babaeng nag-uusap tungkol sa papalapit na si Airah.
Dahil sa sinabi niya lalo lamang nainis ang mga estudyante na nakarinig. Dahil parang ipinapamukha na rin sa kanila na ayos lang mang-api si Airah dahil apo siya ng may-ari ng paaralan.
"So what kung apo siya ng may-ari ng Academy? Dapat nga siyang magpasalamat dahil kung wala kami wala ring makukuhang pera ang Academy na ito. Kami ang dahilan kung bakit siya nagkakapera. Ang mahal kaya ng ibinabayad namin." Rossana.
"Korek. Kung wala kami wala kayong pera." Sabi naman ni Nancy at nakapamaywang pa.
"Mukhang wala na kayong babayaran sa school na ito." Sagot ni Airah na kararating lang sa tapat nila. Nakalagay sa dalawang daliri ang dulo ng sling ng bag at nakadantay sa balikat niya ang sling nito at nakabitin sa likuran ang bag niya.
"Bakit ililibre niyo na kami? No need. May marami naman na kaming pera." Mayabang na sagot ni Dianne.
"Hindi rin kami nangangailangan ng pera kaya di namin kailangan ang bayad niyo. Kaya mas mabuti pang umalis na kayo sa paaralang ito." Sagot din ni Airah na ikinaasim ng mukha ng apat na mga babae.
Nang mapatingin si Airah kay Aikah agad naman itong yumuko na parang takot na sisiw.
"Excuse me. Wala kang karapatang paalisin kami dito. Higit sa lahat siguradong mapagalitan ka lang ng lolo mo dahil sa ginawa mong pangbububugbog sa apo ni General Han." Confident na sagot ni Dianne.
Narinig niya mula sa ina kanina na papatalsikin na si Airah sa paaralan kaya naman excited na excited na siya. At ang Don daw mismo ang magpapatalsik kay Airah.
Napapangiti pa siya maisip ang plano niya. Gagalitin nila si Airah ngayon tapos kapag nagagalit na, magpapabugbog sila at saka tawagan ang iilang mga magulang para maging saksi at sila na mismo ang gagawa ng paraan para di na mapapatawad pa ng lahat si Airah at masisirang lalo ang reputasyon niya bilang isang estudyante.
Naghanda pa siya ng mga itlog para ibato kay Airah mamaya kapag magkakandarapa ito sa pagtakbo paalis ng paaralan.
Perfect na ang kanyang plano nang marinig ang pangalan niya na isa sa mga mapapatalsik sa school. Kapag may papatalsikin sa Academy na ito ina-announce kasi sa intercom kaya rinig na rinig ng buong campus at malalaman ng lahat kung sino-sino ang mapapatalsik.
"What's wrong? Who's pranking me?" Di makapaniwalang sigaw ni Dianne.
"Wag kang mag-alala. Prank lang yan." Sabi ni Nancy. Ngunit ilang sandali pa'y tinawag din ang pangalan ni Nancy at iilan pang mga estudyante. Kasama na sina Rossana at isa pa nilang kasama.