Chapter 23: Pinagpapantasyahan

1819 Words
"Aiko tingnan mo." Tumaas ang kilay ni Aiko dahil may kumalabit sa kanyang tagiliran. Napatingin siya kay Anthony pero ngumuso ang kaibigan kaya napatingin siya sa stage. Nakita nila sina Airah kasama sina Aiden, Raven at Aina. Hindi niya inaasahan na sasali sa dance competition ang apat na ito. "Sydion lika dito tingnan mo." Muntik ng malaglag si Sydion sa hinihigaan na bench dahil hinila siyang bigla ni Anthony at pinatayo katabi ni Aiko. "Ano ba?" Reklamo niya pero napatigil makita ang babaeng kasama nina Aiden at Raven sa pagsasayaw. Wala sa sariling tinanggal niya ang headphone sa kanyang ulo para marinig ang musikang sinasayaw nina Airah. Parang mga walang mga buto ang sumasayaw sa stage. Ang unang napapansin nila ay ang sexy'ng katawan nina Airah at Aina. Lalong-lalo na ang maliit na baywang ni Airah. Makikita din ang mga sumbrero at mga jacket sa sahig na tinanggal kanina nina Airah. Nakaboots ang dalawang babae at naka-itim ng shorts kaya kitang-kita ang makinis at mahaba nilang mga binti. Maririnig din ang mga sigaw ng mga nanonood kapag babackflip sina Aiden at Raven samantalang nakasplit naman ang mga paa nina Aina at Airah. Napawah sila makitang sinapak kunwari ni Raven si Airah at lumuhod naman sa tabi niya si Aiden. Ilang sandali pa'y naglaban na sina Aiden at Raven. Sinabay nila sa musika ang kunwari'y mga suntok sipa at floor spin nila. Bumangon na si Airah pagbalik ng chorus at muling sumali sa sayaw nila. "Wow! Tol. Ang ganda ng legs nong sumapak sayo." Sabi ng isa sa mga kaibigan ni Sydion. "Aikoh, may number ka ni Miss Airah? Paghingi naman. Magkaibigan naman tayo di ba?" Tanong ni Christian at inakbayan ang kaibigan. "Ano bang nakita niyo sa babaeng yan e ang panget-panget niya? Mas cute pa nga si Aina sa kanya e." Sagot ni Aiko at tinanggal ang kamay ni Christian na nakapatong sa balikat niya. Para sa kanya mas maganda si Aina, mas cute, mas sweet, mas mabait, at masunurin. Kaya nagtataka siya kung ano ba ang nakikita ng mga kaibigan niya sa brutal na babaeng katulad ni Airah na mahilig manapak, manipa at parang di babae ang lakas? Napatingin siya sa mukha ni Airah. Naalala niya ang unang pagkakataon ng pagkikita nila. Kung paano ito tumalon sa sports car niya. Maalala niya ang pagkatulala niya sa ganda nito nandidiri agad siya. Nandidiri siya sa sarili kung bakit tutulala siya sa mga oras na iyon. At kahit nalaman niyang kapatid niya ito nagiging laman parin ng panaginip niya ang mukha na yun na ikinaramdam niya ng kilabot. Ngunit napatingin ulit siya sa sumasayaw na brutal na kapatid. Ang lambot ng katawan nito, ang ganda ng mukha, ang mahabang mga binti at magandang pares ng mga binti niya. Hindi niya namalayan na nakatulala na rin pala siya katulad sa mga kaibigan niya. Lalo na nang makita ang ngiti ni Airah nang yakapin ito nina Aina at Aiden dahil sa tuwa nang sabihing tanggap silang apat para sumali sa final. Hindi tuloy niya napansin na kanina pa pala natapos ang performance nina Aina at ng iba pa. Mapansing may mga matang nakatingin sa kanya at sa mukhang nakaharang sa mukha niya napataas ang kilay niya at sumama ang kanyang tingin. "Huy! Kanina pa natapos ang performance nila bakit nakatitig ka parin?" Puna ni Christian. "Tinitingnan ko lang. Ang panget kasi ng mga suot nila." Kontra niya. "Yung suot nila o pinagpapantasyahan mo na ang mga kapatid mo? Sino sa kanila ha? Si Airah ba?" Tukso ni Anthony. "Hindi." Mabilis na sagot ni Aikoh na kinilabutan pa maisip pa lang ang mukha ng babaeng yun. "Mandiri ka nga." "Kung gano'n si Aina?" Sagot din ni Tryzt. "Ano ba iyang pinagsasabi niyo?" Naiinis ng sigaw ni Aiko. "Kung ganon?" Nagkatinginan sina Christian, Anthony, Tryzt at ang naiintriga na ring si Sydion. " Sina Aiden o Raven?" Panabay pa nilang tanong. Napatakbo sila dahil takot masipa na naman ng mga kaibigan. "Bumalik kayo dito. Huy!" Tawag niya at hinabol ang mga kaibigan na nagsitakbuhan na palayo. *** "Natanggap tayo. Natanggap tayo." Napasayaw-sayaw si Aina sa tuwa. Bago tumalon at niyakap si Airah. Napayakap na rin si Aiden dahil sa tuwa. Nanigas naman si Airah dahil sa pagyakap ng dalawa at di alam kung saan ilalagay ang mga kamay. Ngunit makita ang mga ngiti nina Aina at Aiden maging sa nakatingin sa kanilang si Raven hindi niya maiwasang mapangiti. "Ganito pala ang pakiramdam kapag yakap ka ng kapatid?" Tanong pa niya sa isip. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng tuwa. Dati kahit nanalo siya sa anumang mga contest ng school hindi siya nakakaramdam ng kakaibang tuwa. Sumasali siya sa mga paligsahan dahil iniisip niyang dahil iyon ang kailangan at responsibilidad ng isang estudyante at di dahil sa gusto niya. Natutuwa ang mga guro kapag nanalo siya sa mga quiz bee mula sa local competition hanggang sa regional o ba kaya kapag nanalo siya sa mga beauty pageant sa school. Ngunit sinisikap lamang niyang manalo noon dahil naisip niyang responsibilidad niya bilang estudyante ang ipanalo ang kanilang paaralan. "Masaya din pala kung mananalo lalo na kapag nakikita mong may masaya sa pagkapanalo mo." Sambit niya sa isip. "Tumawa ka. Ang ganda mo ate. Parang nagliwanag ang madilim kong langit. Kapag talaga lalake ako at di kita kapatid niligawan na sana kita." Sabi ni Aina na ikinapawi agad ng ngiti ni Airah. "May killer smile ka pala ate Airah. Parang gusto kong dalhin ang ngiti mo pampatay sa mga bubuyog na aaligid sa kagwapuhan ko." Biro din ni Aiden. Dati naiilang siya kay Airah pero magmula noong tinuruan siya nitong sumayaw napapansin niyang hindi naman pala cold ang kapatid nilang ito. Hindi lang alam kung paano sila pakitunguhan at medyo mataas ang pader na inihaharang niya noon sa kanila. "Pa'no yan? Di ba tayo magce-celebrate?" Tanong ni Raven na tila nakalimutan nila kanina. "Sige. Kayo ang taya. Kayo kaya ang boys." Sagot agad ni Aina. Napakamot naman ng ulo si Aiden. " Eh, wala na akong pera." He said guiltily. "Libre ko." Sagot din ni Raven. "Pero magbibihis na muna tayo. Ang lagkit ko na o." Sabi ni Aina na pawis na pawis parin. "Ako din ang dumi ko kaya kaso wala na akong pampalit." Sagot ni Aiden. "Sandali lang may extra pa ako sa locker ko. Tara kunin na muna natin." Hinila na si Aiden papunta sa locker room nila. Si Aina naman kinuha ang mga bag nilang naiwan sa isang bench. Tiningnan naman ni Airah ang sarili. Hindi naman siya gaanong pinagpapawisan kagaya ng mga kapatid. Wala din namang dumi ang suot niya. Tinanggal na rin niya ang pagkakabuhol sa dulo ng t-shirt niya. Kaso nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya napatingin siya sa kinaroroonan ng maliit na stall kung saan pinasadya ng school na maglagay ng stall sa field na ito para sa mga estudyanteng gustong bumili ng pampalamig ngayong papalapit na ang Lionheart Academy anniversary. Si Tryzt naman nakabili na ngayon ng isang bottled water. "Alam niyo ba kung paano mapansin?" Tanong ni Tryzt. "Ganito lang." Sabay pakita sa dala niyang bottled water. "Bibigyan ko siya ng tubig. Alam kong nauuhaw na siya." Sabi niya sa mga kaibigan at naglakad na palapit sa gawi ni Airah. Kaso may umagaw sa tubig niya. "Huy! Bakit mo inagaw ang tubig ko?" Tawag niya kay Aikoh. "Eh?" Napuno na lamang ng question mark ang mukha niya makitang inabot ni Aikoh kay Airah ang tubig na binili ni Tryzt. "Kunin mo na. Nangangalay na ako." Airah: Anong nakain nito at binigyan ako ng maiinom? Nakatingin lang si Airah sa tubig na hawak ni Aiko. "Bakit sa akin wala?" Tanong ni Aina na bitbit na ang apat na mga bag. "Ako din." Sabi din ni Raven na hinila pa si Aiden pabalik. "E di bumili kayo." Sagot ni Aikoh at pinahawak na kay Airah ang bottled water sabay alis ng nakapamulsa. Kundi lang natapilok sasabihin na sana ni Airah na ang cool ng cold na kapatid na ito. Sina Aina naman, Raven at Aiden, palipat-lipat ng tingin sa hawak na tubig ni Airah at kay Aiko. "Bakit ikaw binigyan? Kami pinapabili?" Naguguluhang tanong ni Aina. Nakasimangot naman si Ava habang pinapanood ang mga pinsan na kasama si Airah. "Ano bang meron sa masungit at brutal na babaeng yan? Ang sama kaya ng ugali niya bakit ba kinakaibigan pa rin nila?" Naiinis niyang sambit habang nakatingin sa gawi nina Airah. "Magaling kasing magpaikot ng tao iyang malandi niyong pinsan." Sabi naman ng kaibigan niya. "Naiinggit lang kasi kayo kaya sinisiraan niyo siya." Sagot ng napadaan na si Alvira at inirapan ang pinsan kasama ang mga kaibigan nito bago lagpasan. "Ako? Naiinggit? Baka siya." Sagot din ni Ava at inirapan din pabalik ang half-sister. Si Aikah naman na lalapit sana sa mga kapatid ay napatigil makitang binigyan ng tubig ni Aiko si Airah. "Kailan pa nagkaroon ng pagmamalasakit si kuya sa iba? Saka di ba sinaktan siya ni Ate Airah? Pero bakit parang bumait pa siya dito?" Tanong niya sa sarili. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Pero nakakaramdam siya ng kakaiba makitang binigyan ng tubig ni Aiko si Airah. Mula pa bata hindi man lang siya binigyan ng kung ano pa man ng kuya at madalas pa nga siya nitong inaagawan at inaapi. Pero bakit kay Airah parang iba ang pakikitungo nito na ipinagtataka ni Aikah. Inalis niya ang anumang naiisip na di maganda at naglakad na sa sanang muli ngunit napatigil nang marinig ang sinabi ni Director Martin Liu. "Ang batang iyon. Alamin niyo ang pangalan niya. Gusto ko siyang subukan." Napalingon si Aikah at napansing nakatingin si direk Liu sa direksyon nina Airah kaya napatingin siyang muli sa papaalis ng sina Airah. "Pero direk, sa dance competition-" di natapos ng isang assistant ang sasabihin makita ang tingin ni direk Liu kaya naman mabilis siyang tumango at hinabol sina Airah. "Maganda nga ang batang yon saka napakagaling sumayaw kaya lang paano kung di siya magaling kumanta?" Tanong ni isang babaeng judge. Kinabahan namang bigla si Aikah at naalala ang sinabi ng ina. "Kailangan mong magiging lead star." Iyan ang paulit-ulit na naririnig ngayon sa utak niya. "Kung hindi mo kaya ang bagay na iyan hinding-hindi ka na makakapagpiano kailan paman." Ang muling naalala ni Aikah. Ngunit makita ang assistant na kausap na ngayon si Airah at makita kung paano ka gusto ni Direk Liu na gawing Lead star si Airah mas lalong binundol ng kaba ang dibdib ni Aikah. Kinakabahan siya. Kanina kampante na siya at sigurado na siyang siya ang pipiliin dahil siya lang ang pinuri kanina ng mga judge pero ngayon hindi na siya sigurado. Kung si Airah ang mapipili, paano na siya? Paano na ang pangarap niya? Nakatayo lamang siya sa dating kinatatayuan habang pinagmamasdan si Airah na naguguluhan ang mukha habang papaakyat sa stage. Halatang hindi alam kung bakit siya tinawag ni Direk Liu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD