"Siya nga pala. Nandito ako para ma-inform kayo. It's either ibinta ang lahat ng natitirang property ng Don o kukunin ko na lamang?" Tanong ni Rowena. "Hindi nakapangalan sayo ang mga naiwang property ni daddy kaya wala kang karapatang kunin ito mula sa amin." Sagot ni Arthron. "Ngunit nakasaad sa will and testament niya na tanging may dugong Lionheart lamang ang maaaring magmamana nito kaya hindi niyo rin ito mamamana." Sagot ni Rowena at napatingin kay Attorney Suarez. "N-nakasaad nga dito na tanging may dugong Lionheart lamang ang magmamana sa Lionheart Empire lalo na sa L Group. Ngunit mangyayari lang yun kung sisirain ng mga Lionheart heirs and heiresses ang mga patakaran ng Don. At isa mga rules ay ang magiging karapat-dapat na tagapagmana, hindi hinahayaang masira ang reputasyon

