"Siguradong na trauma na si Airah sa loob ng dark room." Masiglang sabi ng babae. Tinawagan niya ang detective na isa sa pawn niya sa larong ito. Nagpadala ito ng video recorder sa kanya sa kung ano na ang nangyayari kay Airah. Kitang-kita niya ang panginginig sa takot ng dalaga habang yakap ang sarili at nakaupo sa isang sulok ng madilim na silid. "So sad. Mas mag-eenjoy sana ako kapag nakikita ko ang reaksyon ni Aida. Pero mukhang hindi na mangyayari yon kasi ang galing makapagtago ng babaeng yon." Sabi ng babae habang pinapanood ang video sa kanyang cellphone. Tinawagan ulit niya ang detective. "Gawin niyo na ang plano." Utos niya bago ibinaba ang cellphone na may ngiti sa mga labi. "Oras na para bawasan na naman kayo." Sambit niya pa. *** "Dalawang araw na a. Bakit pinagbabawala

