"Dad, may problema ba?" Tanong ni Aikoh makitang nag-iisa ang ama sa sala. Hindi rin ito pumasok sa opisina nito. Napatingin si Arthur kay Aikoh na nakaupo sa wheelchair nito. Napabuntong-hininga pa makita ang sitwasyon ng anak. Halata ang pagkahapo sa mukha ni Arthur. May naglalakihan ding mga eyebags sa paligid ng mga mata. Hindi na rin naaayos ang sarili ngayong nagdaang mga araw. Huminga ito nang malalim bago magsalita. "Ayos lang ako. Wag kang mag-alala." Sabi nito. Dumating naman si Arthron na may bitbit na may dalang attache case. Bagsak ang balikat nito. Umupo sa single couch at napahawak sa sintido. "Failed?" Tanong ni Arthron. Hindi naman umimik ang kapatid. Katahimikan muli ang namamagitan sa kanilang tatlo hanggang sa bumaba si Ava. "Dad. May problema ba?" Bumuntong-hi

