CHAPTER 1

4581 Words
"Nice assist buwan." Sabay akbay nito saakin na akala mo hindi kami binuhat sa buong laro. Meet my cousin Cristy, ang subrang jolly at paiba-iba ng mood. Mabait naman sa mabait, pero subrang maldita kapag hindi niya bet yung isang tao. Mapagbigay kahit alam mong walang wala na siya, wala kang maririnig na kahit ano sakaniya. Sometimes kasi tahimik lang siya, if alam mong tahimik na huwag mo ng guluhin kung ayaw mo mabugahan. Pero atlis kahit ganiyan yan madali paring pakisamahan, alam mo yung unang tingin mo palang sakaniya matatakot kana pero kapag nakaclose mo na para kayong aso't pusa kasi hindi din siya magpapatalo. Sa lahat ata kaming magpipinsan, kaming dalawa lang ang pinakaclose. Ang nakakatawa pa do'n ay napagkakamalan kaming kambal kapag nakaside view at nakatalikod. Simula bata kasi kami na ang magkasama, subrang malapit kasi siya sa kila mama at mga kapated ko. Hindi ko naman ipagkakaila na maganda siya, nasa genes namin yun aba naman. Support family dapat ganun. "Heh! Tumigil kanga, libre mo ah!" Sigaw ko na ikinalaki ng mata niya. Napakamot nalang ito sa ulo bago isampay ang towel sa balikat niya at kinuha ang bag. Inakbayan nanaman ako nito at inaasar, paminsan minsan pa ay guguluhin ang buhok ko. Napadaan pa kami sa mini gym nitong school namin, may banda kasi ngayon dahil intrams. Agad napalingon saakin ang pinsan ko na nakakunot ang noo. Agad ako napatingin sa itaas ng stage at nakunot nadin ang noo, bago ang vocalist? Babae pa ah, nakayuko ito at may hawak na gitara nakatapat naman sakaniya ang microphone. "Hindi na si Michael?" Takang tanong ng pinsan ko. Hindi ako sumagot dahil obvious naman seguro na wala din akong alam, okey sana kung kalahi ko ang kapit bahay naming marites kaso hindi. "Ito na ang tubig niyo!" Sigaw galing sa likuran namin. Si Arthur, isang magaling na drummer ng school at ang pinakabibo at masayahin sa grupo nila. Napaangat ang babae ng mukha at imbis na kay Arthur ito mapatingin ay dumirekta ang mata nito saakin, malamig lang ito at walang mababakas na kahit ano. Ang cool niya pa sa suot niya, naka black sando na nakatuck-in sa navy blue pants nito may maong na jacket na nakatali sa bewang at black combat na nagpalakas sa s*x appeal niya. Ang buhok nito na malaya lang na nakalugay. "Aiden tubig." Abot ni Arthur ng tubig sakaniya kaya naputol ang titigan namin. "Ang ganda bhie!" Mahinang tili ng pinsan ko at may pakapit pa sa braso na parang kinikilig. "Ah talaga ba Cristy?" Pang aasar ko na ikinabusangot nito at umamba ng suntok. Kinaladkad na ako nito palabas ng school, naka basketball Jersey pa rin kami hanggang ngayon kaya pinagtitinginan pa din kami. Ang iba ay kinakamusta at nagpapicture saamin, pero subrang gutom na ako kaya hindi na napagbigyan ang iba. Papasok na sana kami sa loob ng hilain ako pabalik ng pinsan ko at patakbong umalis. Pero narinig namin ang sigaw ng isang boses. "Miss Allegre don't you dare take another step!" Galaiti nito. Agad napatigil ang pinsan ko at pakamot ulong tumingin sa likuran, agad naman ako napasilip at napanganga dahil sa dalagitang ang talim ng titig saakin. "Iniiwasan ako dahil may itatanang bago?" Taas kilay na tanong nito at matalim na tinignan ang pinsan ko na nagpipigil ng tawa. Siniko ako nito at tinignan sabay taas ng dalawang kilay, tangina may bago nanaman siyang katarantadohang gagawin sa mga nabibingwit niyang babae. Agad ako napangisi bago lumingkis sa kamay nito, bibo naman itong tumayo at sabay na naglakad palapit sa magandang dalaga. "Good afternoon my future professor." Sabi nito na ikasamid ko. Napatingin saakin ang dalaga at agad akong binigyan ng nakakamatay na tingin bago tumingin ulit sa pinsan kong walang paki. "I would like to introduce my–" "Hindi ko kailangan makilala ang kabet mo tanginamo!" Sigaw nito na ikinatawa ko dahil ang slang ng pagkatagalog at ang lutong ng mura. Bumitaw ako sa pinsan kong gagu at taas noong inilahad ang kamay, hindi ako na offend i found it cute. Napakaselosa. This is my cousin's type. Pero iwan kailan pa titino ang isang ito. "I'm Raith Laurel Allegre Adler. Her cousin, miss?" Tanong ko na ikinalaki ng mata niya at biglang namula ang pisnge. "I'm sorry for my cousin's dumbness, but don't worry. Five weeks ng walang inuuwing babae sa condo–" "Tumahimik ka adler ingay mo!" Sabi ng pinsan ko at tinakpan ang bibig ko at awkward na ngumiti sa dalagita na parang ginugutay na siya. Hindi nakapagsalita ang dalagita at agad inirapan ang pinsan ko at tumalikod, napahinga pa ang tarantada at natawa bago ako inakbayan. Pero bago 'yun ay nakita ko kung paano kumislap ang lungkot sa mata nito at nagkunwari na walang nangyari, bumalik ang pang aasar niya na akala mo ay wala akong napansin. Ito din ang ayaw ko sakaniya, kapag may problema siya sinosolve niya mag isa. Pero kapag math problem na saakin tatakbo eh bubu din ako dun. "Hoy buwan!" Sigaw ni hailey. Ang pinakamaingay at makulit sa aming apat, si Elijah naman ewan ko kung saan na nanglalaki iyon. Basta ang alam ko payapa ako ngayon dahil wala siya. Kapag andyan siya hindi ko na alam ang gagawin ko sa subrang landi ba naman saakin, pati itong pinsan ko pinagttripan at ang isa naman nakisabay pa. "Tangina ingay mo, kaya ka walang jowa!" Sigaw ko pabalik. "Hiyang hiya ako sa'yo!" Pabalik na sigaw nito na ikinairap ng pinsan ko. "Alam mo bhie, nabuhay tayong single. Mamamatay din tayong–" agad ako napatigil dahil sa babaing payapang nakapikit habang nakasandal sa motorcycle nitong ducati nakaheadset din. "Mamamatay din tayong ano?" Takang tanong ni Hailey at hinihintay ang sagot ko. Napakamot ako sa ulo ng makitang magmulat ito ng mata kaya agad ako nagpanic at tumingin kay Hailey na nakakunot ang noo. "Mamamatay din tayong under." Sagot ko at inakbayan ito papasok sa Japanese restaurant dahil nainis na ang pinsan ko at nauna sa loob. Agad ko nabungaran ang pinsan kong nakabusangot na nakaupo sa nakuha nitong table, nakatingin sa selpon nito na parang andun ang kalaban niya. Kaya imbes na maawa ay tinawanan pa ni Hailey. Demonyo ba naman. "Ok lang 'yan ate cris. Mapapasayo din 'yan next life." Asar nito sa pinsan ko ang isa naman ay walang gana siyang tinignan at binalik ang tingin sa selpon nito. Omorder si Hailey ng makakain namin, kaya habang payapa kaming naghihintay ng kakainin namin ay kinuha ko muna ang selpon ko at naghintay ng update sa gc namin para sa next training. Kasi ang pagkakaalam ko pagtapos ng exam namin ang next training para daw makapag fucos kami. Eh pwede na din since gusto ko mag basa ng lesson namin dahil ilang weeks din ako walang matinong pasok sa loob ng klassroom. "Ayus kapa ba?" Tanong ng magaling kong pinsan habang taas kilay na para bang nang aasar. "Gusto ko na mag aral." Pabebe ko dito na ikinagulat at ikinasamid ng dalawa. "Talaga ba? Gumising kanga ikaw ang pinakatamad mag aral sating magpipinsan!" Bukya nito sakin na ikinasimangot ko. Sabi niya lang yan, without knowing na puno ng libro ang kwarto ko. Wala kasing pweding pumasok sa kwarto ko. Kasi pag may pumapasok doon ay parang naiilang ako. Kaya kahit si manang ay hindi ko hinahayaan na makapasok at ako mismo ang naglilinis. Iba kasi trip ko, gusto ko ako lang ang nakakahawak ng mga gamit ko sa loob ng kwarto ko. Kaya ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang may pumasok na ibang tao sa kwarto ko. Maging si mama nga hindi napasok doon eh. "Hindi ko alam nagbabagong buhay pala ang isang raith?" Takang tanong naman ni Hailey na kakarating lang dala ang order nito. Nilantakan naman agad ng payatot kong pinsan ko ang pagkain, yan patay gutom pero hindi tumataba. "May bago pala kayong bokalista?" Takang tanong ni Hailey habang nakatingin sa bagong dating na sina Arthur. Kasama nila ang babae na tinawag nilang aiden kanina. Agad ako napaiwas ng dumapo ang paningin nito saakin, bakit para akong naiilang o ano sakaniya? Shittt. Agad naman napatingin si ate saakin na ikinangisi nito, pero si Hailey naman ay nakakunot ang noo habang nagtataka na nakatingin naman saakin. "What?" Irita kong tanong pero napailing lang ang pinsan ko at nagpatuloy sa pag kain. "Are you hiding something Raith?" Taas kilay na tanong nito. Umiling lang ako at ngumiti ng maikli, napaka ano talaga nitong pinsan ko. Napabuga naman ako agad ng may bagong babaing dumating. Siya yung tinitigan ko kanina sa labas na nakasandal sa motor bike nito. Malaya itong naglakad na mala modelo patungo sa counter bago inilibot ang paningin. tumigil lamang iyon ng nagtama ang paningin naming dalawa. Agad naman ako nagulat ng parang may nahulog na kung ano sa harap ko kaya agad ako napatingin doon at makita si Hailey na namumutlang nakatingin sa direksyon ng babae. "Hoy ayos kalang?" Tanong ko pero ang gaga hindi gumagalaw at parang na istatwa. Oo subrang ganda nong babae, at hindi masisisi si Hailey kung ganiyang ang reaksyon niya. Si ate naman ay walang pakialam sa paligid nito at tamang kain lang. "A-aalis na ako buwan. May... may praktis pa pala kami." Pagmamadali nito at humalik sa pisnge namin ng pinsan ko. May pagtataka sa mukha ng pinsan ko pero nagkibit balikat lang ito at bumalik sa pagkain niya. Sheessh food is life nga para sakaniya hindi naman nataba. Tatayo na sana ako ng mapatigil ako dahil ang kaninang babaing nakatayo sa counter ay papalapit sa kotse ni Hailey. Napataas naman agad ang kilay ko ng mapansin na niyakap siya nito pero hindi yumakap pabalik si Hailey sakaniya. May tinatago ba ang hinayopak na 'to? "Bilisan mo na tumatawag na si mama." May family dinner pala ngayong gabi at hindi ko pa sana malalaman kung hindi sinabi ng magaling kong pinsan, alam ko na kung ano ang rason bakit magpapafamily dinner sila. "May bago palang school ssg president?" Takang tanong ni ate habang nakatutok ang mata sa selpon niya. "Akalain mo yun 'by yung new vocalist pala ang new ssg pres.?" Sabi nito habang nakagat sa labi niya. Hindi ko siya pinansin at namadaling kumain,magdidilim na kasi at baka masermonan na naman kami. Masyado pa namang matigas ang ulo ng pinsan ko, pati ako nadadamay. "Simangot mo diyan? Hindi na babalik yun!" Sigaw nito. "Bilisan mo kaya?" Asar balik ko na ikinatawa nito. Napailing itong inayos ang duffel nag niya at inaya na akong lumabas, nahagilap ng mata ko ang grupo ng babaing nagngangalan aiden. She's just sitting their while her friends is enjoying the company. Parang bangot na bangot ang pagmumukha nito at walang pakialam sa paligid niya. Napahinto naman ako ng bigla itong mag angat ng tingin, at ang mapupungay na mata nito kaagad ang sumalubong saakin. Agad akong nailang at mabilis na nag iwas ng tingin, i saw my cousin waiting me outside of this restaurant. Nakita ko naman agad ang sundo nito na naghihintay na rin saakin. Don't tell me tinawagan niya agad si manong? Buti naman kung ganun. "I know she's chix magnet 'by, pero sana 'wag mo naman ipahalata sa tao." Asar nito at sumakay na sa back seat. Huminga ako ng malalim para wag lang siya hampasin at sumunod sakaniya sa likurang upuan, agad naman minaubra ni manong ang sasakyan at ang pinsan ko ay nakatulog na sa pagod. We arrived exactly at the time that we expected, we hurriedly go to our rooms to change our clothes. Simpling blue pajama at blue T-shirt ang sinuot ko dahil dito naman sa bahay ang dinner. I saw my cousin also going down stairs kaya sumabay na ako. She also wearing like what i am wearing. Will, we're really that close. Even our clothes were also the same. Type, style, favorites. Pero hate namin ang sinasabihan kaming magkakambal. Yuckss Umakbay ito saakin habang papalapit sa pamilya naming masasayang nakaupo sa harap ng mahabang lamesa. They were laughing at the same time acting normal, syempre nasa bahay na at wala na sa trabaho kaya ang intimidating nilang mga mukha ay nawala. Actually they're not that people na subrang nakakatakot, pero seguro pag hindi mo talaga kilala ang isang tao matatakot ka talaga sa expression ng itsura nila. Pero kasi subrang mapang asar ni papa, kay mama? Subrang maldita pero ramdam mo yung love dun. At sa mommy naman ni ate? Will, same lang sila ni mama since magkapatid sila. Mommy is single mom, its a long story to tell. "Waiting tayo sa visitors." Paalala ni papa habang nakikipag asaran kay kuya at sa bunsong kapatid naming si rence. Kumuha ako ng tubig at uminom, ang pinsan ko busy nanaman ulit sa selpon niya. Minsan kukunot ang noo ay mamumula ang pisnge sabayan pa ng nakakaadik niyang ngiti. "Here they're... welcome Mr and Mrs. Walter." My papa said with her formal voice. Agad naman nagdala ng bagong plato ang mga kasambahay at naglagay ng tatlong upuan sa harap ng hapagkainan. Kunot noo kaming pareho ng pinsan ko, pero lahat ng iyon at nasagot ng may babaing dumating. "Sorry dad, I'm late." She said with her cold voice. Her dad just shake her head while smiling genuinely like there's nothing yo worry. "Is this Aiden? Ang laki na ah." Puri ni papa at manghang nakatingin sa dalagita. She's wearing all black, anak ba ng mafia 'to at subrang hot niya sa mga suot niya simula pa kanina? Wearing her sando black with a pair of black varsity jacket with her surename at the back, and a black cargo pants and i think she's wearing combat shoes. Medyo gulo pa ang buhok na nagpalakas lang ng hotness niya. "Are you listening raith?" "H-huh?... are you saying something sis?" I asked pero ang mata ko titig na titig pa din sa babaing busy na inaayos ang kutsara nito. Umiling na natatawa lang si ate at nagpatuloy sa pagkain, ang parents namin ay busy na ngayon sa pag uusap about business. Nakakabagot talaga paminsan pag ganitong gathering eh, akala mo kakain lang at magtatawanan. But there's always business talk. "Simangot mo diyan?" Takang tanong ng pinsan ko pero wala akong sagot. "Nagmumukha kang si medusa." Tawang sabi nito pero ngumiti lang ako. "I like being medusa!" Sabi ko na ikinatawa nito. She knows why i liked medusa. "Yes you are. You really liked her, you are stealing someone without you doing anything. And you are keeping something that no one does." She said that makes me smile. Nagkwentohan kami ng pinsan ko hanggang sa maramdaman ko na kanina pa nakatingin saakin ang nasa harap ng upuan ko. Hindi ko lang kanina pinapansin kasi baka inoobserbahan niya kami. But she's still staring at me, kanina pa talaga. Hinahayaan ko lang hanggang sa nakaramdam na ako ng ilang kaya ngumiti ako ng pilit sakaniya. But she just sigh and continue doing her thing until my papa interrupt us. "Dahil wala ang pamangkin ng tito Edwardo niyo i will just announced this important thing. Cristy and Zadie were engaged–" "What!? Papa you know i don't want to get married. Hindi pa po ako nakakapagtapos ano ba kay–" "So now you don't want to get married to me? When the opposite is you truly want." A woman voice interrupted us that makes my cousin froze. Marami pa silang pinag uusapan na hindi ko na maintindihan kaya umalis na lamang ako at pumunta sa likuran para magpahangin. My cousin always hiding herself. I would like to pity her, but she doesn't want me to pity her. She always said that she's braved and yeah she is. "Sorry for that dramas." A cold voice said and sat beside me. "Actually my cousin didn't want it though. And so i am." She said like she doesn't talking to the woman who really doesn't want the marriage. "I didn't asked for your thoughts Miss, so if you excuse me. I will get back there than to talk to you. You just badmouthing my cousin infront of me. You did not asked her if she want this too." I burst out that give her amused expression. "I didn't mean it. I just don't want to hurt my cousin in this situation. She really want her freedom but she can't have it–" "They have similarities. My cousin also don't want to hurt herself, but she doing it not to disappoint this family." I said lowering my head. "Excuse me–" "Cein." Sabi nito at inilahad ang kamay. "Raith." Sabi ko at inabot ang kamay niya. "Zadie, that's my cousin name." She said and look up. "Sunniva... Sunniva is my cousin name." I also said. Napataas naman ang kilay nito at agad napatingin saakin na parang nagtataka pa. "Why did they call her Cristy?" I laugh at her and told her that is my cousin first name. "Oh, Zadie don't want her first name that's why we called her in her second name." "What's her first name ba?" "Yesenia..." nag aalangang sagot nito at nag iwas ng tingin. Natahimik kami ng ilang minuto bago ito tumayo at tumingin saakin. "Let go back." She said and held my arm that make me flinch. What was that? "Are going to kill me?!" Inis na sabi nito dahil maging ito seguro ay naramdaman din iyon. Tumayo ako at matapang siyang tinignan. "I am not criminal to do that such a worst thing. I am also feel what you also feel." So ano yun? Is that a spark that they called? And fvck. I don't want to have spark to this mapabintang at walang prenong bibig na babaing ito. She's acting like chasing dog. Sabagay mukha naman talaga siyang aso. "That's actually hurt but giving me goosebump. Let's just go back." She want to hold my hand again ng iniwas ko iyon kaagad. I don't want to feel it again, para akong hihimatayin sa lakas ng t***k ng puso ko. I am not into this. Wanting spark? Nah ah kung sa babae naman like dude lalaki hanap ko bakit babae ang ibinigay saakin. Kung sa science pa ayaw ko ng chemistry sa babae jusko. "Ang arte... let's go." She said that make my eye rolled. "Don't do that i might get you in my bed..." "Bastos!!!" Nakakainis naman feeling cool at cold eh... shutangina ed siya na ang over package. Maganda, magaling kumanta ang cool gumalaw hindi ko lang alam kung matalino eh ngayon ko lang naman siya nakita. Pero tangina wala man lang bang kahumble humble sa katawan at nagawa pang manlait. And the worst is she's straightforward and also a pervert! I can't stand looking at her face this close kanina pa kami nag sstaring contest dito sa garden. "Let's just get back. I didn't mean what i said." Ngayon alam ko na ang paborito niyang words. I didn't mean what i said. Ulo mo didn't mean. Eh kung sipain kaya kita. Inis na umalis ako sa harap nito habang siya ay nakabukas ang bibig at ready na ata magsabi ng kung ano pa. Pero hindi ko na siya hinintay at bumalik sa table namin. I saw my cousin full of tears in her eyes. My father caressing her back and the woman who interrupted us was staring at her emotionless. Pumunta ako sa tabi ng pinsan ko na agad naman napayakap saakin. I don't know what happened basta nakita ko nalang ang sarili ko na nasa kwarto ng pinsan ko at pinapatulog na siya. I heard a knock in her room and i just said come in. I was shock seeing the woman worried face. Nag aalangan pa ito pero tumango lamang ako at walang emosyon siyang pinagkatitigan. "Its breaking me seeing my cousin this miserable." I honestly said. Umupo ito sa kama at inayos ang buhok na nagulo sa mukha ng pinsan ko. I saw how her eyes sparked. She smiled before kissing my cousins forehead. "I don't want to lost her again Miss Paasa All i want you is to take care of my cousin and stay. That's what all i need." I said without hesitation. "She likes... i mean loved you, she's always proud showing your pictures to me. What a crazy cousin i have." I genuinely giggle that make the woman smiled. "She is... crazy." She said still facing the angel infront of her. "I can't look at her getting hurt because of me. And here i am seeing her again full of tears." "She just pressured, this is new to her. She didn't know this coming, in fact she really want to graduate first before she get married-" "I will wait... i will, like what she did 6 years ago..." I smiled when i saw Elijah's annoying face. Alam ko na agad na bad day niya at time namin ni Hailey para mang inis. "Not now Raith sasapakin talaga kita-" "Ginanun ba naman." Tawang tawang sabi ko na ikinasimangot nito lalo. "Sabay na ako sa'yo pupuntang Cie-Coffee." Sabi ko. I want to be independent. May kaya kami, pero ayaw kong umasa sa kayamanan ng pamilya ko. Gusto ko paghirapan ang lahat para makapag ipon ng mismong pera ko. Mas maaliwalas kasi sa pakiramdam kapag sariling ipon mo ang nagagasto mo. Hinayaan lang naman ako nila papa, maging pinsan ko nga ay nagtatrabaho din. "Oh is that the new ssg pres.?" Takang tanong ni elijah habang inaayos ang bag niya para makaupo sa tabi ko. "Shes hot." Nakatulala nitong sabi pero binatukan lamang siya sa kakarating na si hailey. "Pangit mo gagi." "Nahiya ako sayo." "Dapat kalang mahiya sa nakakaganda sayo!" Sabi naman ng isa at namulsa. Umirap lang si elijah at sumabay na samin papunta sa kaniya kaniya naming classroom. Magkakatabi lang naman kami. Habang inaayos ko ang bag sa uupuan ko ay agad ako napaigtad ng may nahulog na kung ano sa harapan, actually ako palang naman kasi ang andito ng makapasok ako. I don't know if may nagsipasok na... na ibang estudyante. "I didn't meant to scare you-" s**t that voice again. Her favorite line that i want to rip. Is she really love that line? Kasi kung oo nakakainis. Parang amoy ko yung second chance palagi. Humarap ako sakaniya pero ang timang walang reaction sa mukha at umupo sa bakanting upuang nasa tabi ko. Ang akala kong babatiin ako nito ay ang libro ang kinuha at nagbasa. Bookworm ang brohilda. Inis kong kinuha ang libro sa bag at nagbasa din, panay pa ako silip sa katabi ko pero seryoso itong nagbabasa sa libro niya. Huling huli ko pa kung paano tumataas ang kilay at kung paano kumunot ang noo nito na nagpadagdag lang sa kagandah-kamalditahan niya. "Sun will melt the ice in this room." She voice out but did not looking at me. Nasa libro niya pa rin ang mga mata niya at busy sa binabasa, umilag ang mata ko ng mag ibang page na siya. Baka seguro sa binabasa niya kaya niya nasabi iyon. Napailing nalamang ako at napahawak sa sentido ko na parang biglang nahilo dahil sa pang wawalang kibo nitong isa na akala mo hindi nilait ang pinsan ko. "Universe is to big to lift it up." Sabi nanaman nito pero nakatuon ang buong atensyon sa libro. Nagpaparinig ba siya? Binaba ko ang librong binabasa at napatingin sa kesami para palamigin ang iniisip ko. Talaga bang walang papasok na ibang estudyante anong oras na aba naman pilipinong pilipino! "Imagination didn't exist, think of me instead." Sabi nito. Inis ko itong binalingan pero laking gulat ko ng subrang lapit na nito saakin at seryoso akong pinagkakatitigan. Ang libro nito ay nakatiklop na at ang kamay nito ay hinihimas ang labi niya habang masuyo akong pinagkatitigan. Her pouty red lips bakit ganyan yan, ang mata nito na seryoso pa rin akong pinagkatitigan habang ang mahahaba nitong daliri ay masuyong pinaglalaruan ang labi niya. "Nagpaparinig ka ba!" Inis kung sabi ng makabawi sa pagkagulat. Tinanggal nito ang daliri sa labi niya at inayos ang puti niyang polo bago ako sinuri at ngumisi na nang aasar. "Hm... What if i told you that i really want to gain your attention, but you are busy doing some little kiddy things." Then she smirked again at pinitik ang noo ko ng may dumating ng isang grupo ng kababaihan. Ramdam ko pa ang lagkit ng tingin ng isang babaing subrang iksi ng palda na akala mo nasa bar kunting kunti nalang teh makikita na si perlas ng sinilangan. Napaasim pa ang mukha ko ng kumindat ito kay aiden at ang isa naman ngumiti ng napakatamis pero may halong ilang. Hindi mo mapapansin agad iyon kung hindi ka marunong manuri ng emosyon sa mata ng tao o maging sa mga labi nito. Paminsan minsan kasi ay hindi mo mahahalata ang totoong reaksyon sa mata ng isang tao. Paminsan ay makikita mo sa mga labi nila o sa katawan mismo nila. Pero mas mabilis kasi if sa mata dahil iyon naman talaga ang nakasanayan ng lahat. "Goodmorning class." A voice of a woman that standing infront and looking at her designated area. Kung malamig ang silid ay nadagdagan lamang iyon dahil sa itsura ng mga mata nito, at ng magtama ang mata namin ay bigla itong napaiwas na ikinataka ko. She put her things in her table and then walking gracefully at the front of the White board and write her name. Just her name Solene. Kung anong ikinaamo ng maganda niyang mukha ay ganun din ka attractive ang penmanship niya. She's tall by the way, mataas lang siya ng kaunti saakin. Inilibot nitong muli ang kaniyang mga mata at ng tumama muli ito saakin ay agad ito ulit napaiwas. Napasigaw naman ako ng may pabalibag na lumapag ng libro ang katabi kong upuan. Nasa bandang bintana ako kaya alam niyo na kung sino ang katabi kong istupida. Nang tignan ko ito ay nakatanaw pala ito sa babaing nasa harapan na masama na ang tingin sakaniya. Pero ang gaga walang pakialam sa lamig na natatamo niyang tingin. "What's your reason why did you do that Ms. Unknown." She firmly said and i saw how her lips rose up like she's enjoying Aiden's reaction. Agad na tumayo si Aiden at walang pakialam siyang tinignan bago ito umupo ulit at inayos ang pulo niyang medyo nagulo. "I just got bored. Because our UNKNOWN PROFESSOR is half 1 hour late. So literally you don't need to attend the class MA'AM since it's already break time." she casually stood up and fixed her bag before she walk emotionless at the door. Nang makalabas siya ay siya ding pag ring ng bell sinyales na tapos na ang first period. Oh so it's really late nga si Miss Solene. Napatayo naman kami habang siya ay inayos ang gamit at parang walang paki na may lumisan ng nauna sa klase niya. She didn't look bothered at all. Napailing ako at lumabas na din, pero nagulat nanaman ako ng makitang nakatayo so Aiden sa labas ng classroom. Like she's waiting for someone to came out. "You're to slow. Lets go-" "Kanina kapa nanggugulat. Sinasadya mo ba talaga!" Inis kong sabi dito na ikinatawa niya ng mahina. "I didn't-" "Mean to do that... oo na saulong saulo ko na yan. Bakit mo ba ako hinintay? May pa walk out walk out kapang nalalaman." Pikon kung sabi pero ang isa busy nanaman sa libro niya. Hindi ako nito pinansin. O kahit sagutin man lang ang tinanong ko. Ganyanan pala ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD