"Susubukan kong iligaw ang mga hunters na nandito sa gubat. Kayo na ang bahala kung paano kayo lulusot," ani Ate Suzy. Pasan ni Freidrich si Devin sa kaniyang likuran habang nasa likod naman nila ako para umalalay. Nag-aalala pa rin ako para kay Devin dahil alam kong hindi kaya ng katawan niya ang tama niya. Kung gaya sana namin siya ay mas mapapabilis ang pagpapagaling niya sa sarili niya. Sa kaliwang bahagi ng gubat pupunta si Suzy dahil ayon din sa kaniya, nandoon ang mga hunters na hanggang ngayon ay nag-pa-patrol pa rin. Habang kami naman nina Freidrich ay sa kanan kung saan mas malapit sa pack namin. Tinignan niya ang lagay ni Devin at sinabi, "huwag mong kalimutang ipakita iyan sa hospital dahil first aid lang ang ginawa ko. Kung ayaw mong ma-impeksyon ay dapat ngayong hapon na r

