Halos araw-araw na kaming magkasama ni Devin. Minsan nga ay kasama pa namin si Freidrich kahit na sobrang inis ni Devin sa kaniya. Wala naman siyang magawa dahil nakasanayan ko namang si Freidrich ang kasama ko simula noong nangyari kay Kuya Fret. Sa mga nakaraang buwan naming magkakasama ay napalapit na kami sa isa't isa. Pakiramdam ko ay lumalim pa ang nararamdaman ko kay Devin sa mga nakaraang linggo. Hindi ko alam pero iyon ang pakiramdam ko. Madalas na rin kaming magkaroon ng match sa mixed martial arts. At syempre, para hindi siya makahalata ay hindi ko ginagamit ang lahat ng lakas ko sa kaniya. Ayoko kasing makahalata siya. Sa mga araw na magkasama kami, lagi na akong nagiging conscious sa ipinapakita ko sa kaniya. Hindi pa rin mawala sa sarili ko ang takot na baka malaman niya a

