"Ano namang balak mo at ang aga mo na namang aalis? Akala ko ba ay iiwasan mo si Devin?" tanong ni Kuya Gen sa akin sabay lagok sa kape niya. Binatukan ko siya nang mahina para magising naman siya. "Sinabi ko na nga kanina, 'di ba? Sasama ako kay Kuya Fret sa may Tennis court. Magsa-sign up ako para makaiwas na rin kay Devin kahit papaano." Saglit siyang natahimik bago sumagot, "ah ganoon ba." Kumunot ang noo ko dahil naninibago talaga ako sa inaasta niya ngayon. Para siyang wala sa sarili niya at nakatulala lang kahit na kausap ko naman siya ngayon. "Ano ba ang problema mo, Kuya? Kanina ka pa tulala. Hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko," tanong ko sa kaniya. "Nothing. Kulang lang siguro ako sa tulog. Napasaya kasi ang inuman namin sa bahay ng kaklase ko kaya late ako nakauwi kagab

