Kumuha ako ng tubig sa isang gilid at saka uminom doon. Akala ko kasi ay mababawasan noon ang bilis ng t***k ng puso ko. Pero mali ang naisip ko. Hindi pa rin tumitigil ito at mukhang mas lalo pang bumilis. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari pero hindi maganda ang kutob ko. Nabitawan ko ang hawak kong baso dahil sa nakikita. Nabasag iyon at nakagawa ng ilang ingay kaya napatingin ang ilan sa amin. "Are you okay, Andrea? Y-Your eyes," ani Ate Janet na tila nag-aalala sa akin. Hindi ko siya pinansin at mas tinutok ko pa ang tingin sa aking harapan. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko. They are here... hindi ko sila kilala pero alam ko kung ano sila... lalong lalo na siya. Tindig pa lang niya, nakakakilabot na. Kamukhang-kamukha ng aura niya ang aura ni Freidrich... ang au

