"The hunters association filed that no hunters are to harm werewolves without proper evidences and proofs," sabi ni kuya patungkol sa napagkasunduan noon. "Ibig sabihin, kapag pumatay ang mga hunters ng mga inosenteng werewolves ay maaari silang makulong at ang masama pa roon ay mahatulan ng kamatayan." "Kung ganoon naman pala, bakit kailangan pa nating itago ang mga sarili natin sa kanila kung masisigurado naman natin ang kaligtasan natin?" tanong ko. "The thing is, walang sinaad na law tungkol sa karapatan ng mga tao. Malayang pumatay, lalo na ang mga rogues, ng mga tao. Paano na lang kung walang ebidensya na maipakita ang mga hunters? E'di sila ang dehado?" ani Ate Kia. Oo nga , 'no? Bakit naman hindi nila iyon naisip? "They just thought about it noong namatay na ang head ng mga hunt

