Cauli's P.O.V- Matapos kaming kumain sa gabing 'to na may saktong meal at mismong robot pa ang nagluto ay nagpahinga na kami. Si Akirah naman ay pinadalhan na lang ni doc ng pagkain sa silid na pinagpahingaan niya ngayon dahil hanggang ngayon, 'di pa siya nagising. Mukhang na-over shocked talaga siya sa ginawang kawalangyaan ng bwesit na Michael. Nagulat pa nga ako kanina dahil sa laki nung ahas na binigay niya. Akala ko nga tutuklawin nito si Akirah pero para lang itong tame animals at walang ginawa at 'yun na nga, bumagsak agad ang dalaga. Kahit kailan talaga, bwesit ang lalaking nasa tabi ko ngayon. Pansin kong kulay blue ang mata niya ngayon at aaminin kong ang cute niya lalo pero mukha pa rin siyang demonyo. Pinagyayabang pa nga niya sa'kin kanina ang ultra324 weapon niya at mas mag

