20 - Not Fair!

1258 Words

CAULI'S  P.OV  Hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos tumalikod sina Rowan sa'min. Napasunod lang ang paningin ko sa kanilang tatlo. Gusto ko silang pigilan pero nanatili lamang ito sa isip ko. Pagdaan ng trenta minutos, bumalik na sila. Nakaramdam ako na kasiyahan sa isiping bumalik sila pero agad din napawi sa kadahilanang masaya ang pagmumukha nila Rowan at Akirah na nagpapalitan ng pag-uusap. Ang saya-saya nilang pagmasdan dalawa at ngayon ko pa lang nakita ang kasiyahang ito ni Rowan. Ayun na naman 'yung pakiramdam na may pumipiga ng puso ko. Hindi kaya at nagkalagayan na sila ng loob sa isa't isa? Ba't tila ang bilis naman yata. Hindi man lang ako na-inform. "Ate?" untag sa'kin ni Kiely nang magsimula na kaming maglakad.  "Ano?" walang emosyong balik tanong ko sa kapatid ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD