Pagkatapos naming kumain ay humiwalay na sa amin si Kylie. Napagpasyahan nalang naming dalawa na maglakad lakad muna. Kanina ko pa napapansin si Govad na namumula. Tinanong ko siya kung okay lang ba ang pakiramdam niya. Ang sagot niya naman ay okay lang daw. Pero agad akong napatigil sa paglalakad nang bigla siyang na-out of balance. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya at hinarap sa akin. "Bakit, Govad?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. "N-nahihilo ako." Napapikit ako nang bigla siyang nawalan ng malay at dumausdos sa pagitan ng ulo ko't braso. May lason ba yong nakain namin? Ugh! "Ugh, Govad! Ano bang nangyayari sayo?!" Pilit kong buhatin si Govad at tumaripas ng takbo kahit na sobrang bigat ng lalaking 'to. "Nurse!" Sigaw ko nang madating ko na ang harap ng clinic. Dali

