Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Pinilit kong kusutin ang mga mata ko para makita nang malinaw ang paligid Aamba na sana ako para tumayo pero hindi ko magawa. At doon ko lang napagtantong, naka-upo ako habang nakatali ang paa't kamay ko sa lubid. I'm abducted. Pinilit ko ulit na makatayo pero bigo na naman uli ako. Nilinga-linga ko ang paligd pero puro mga naglalakihang mga kahon lang ang nakikita ko. Tanging maliit na parisukat na bintana lang ang nagbibigay ng hangin sa loob para makahinga pa ako. At tanging isang ilaw lang ang nakatapat sa akin at iyon narin nagsisilbing ilaw sa lugar na 'to. Pinilit kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil may nakataling panyo sa pagitan ng labi ko. Agad akong napatingin sa damit ko at laking pasasalamat ko dahil uniform parin ang s

