Hindi parin ako nakakagreact sa nangyari. Parang hindi ko matangap na si Zane ang nagligtas sa akin kanina sa kapahamakan. Akala ko kasi..Si Govad... Nasan na kasi yung unggoy na 'yon? Tumigil lang siya sa paghila sa akin nang madating na namin ang harap ng building ng mga dorms. At doon na din ako nakapagreact. "Anong nangyari? Bakit ka ginanon ng hinayupak na 'yon!?" Natigilan muna ako ng saglit bago siya sinagot. Nag-iba na talaga kasi ang turingan namin sa isa't isa simula nung nagtapat nga siya. Hindi naman sa lumayo ang loob niya sa akin. Mas naging over protective na siya. "Tinanong ko lang naman siya kung bakit niya kayo niloko noong 9th year. Tapos ayon sinigawan niya ako." "Aba'y gago pala sya!" Tinalikuran niya ako at aamba pa sanang balikan si Jacob. Pero agad ko siyang

