It's been six days noong huling mag usap kami ni Govad. Ewan ko ba kung bakit nawala siya sa clinic. After that day nung sinabi ko sa kanya 'yung nahanap ko, umalis na daw siya. Tinanong ko naman sila Evanth at Cara tungkol doon pero hindi nila sinasagot ng maayos ang tanong ko. Kaya nga nakakapagtaka. I never saw him. Sunday ngayon. Preparation for the Safe pageant. Reva really wrote my name as one of the contestants. Ang sabi, kapag nanalo ka daw sa pageant na 'yon. You will be safe for one week. Walang aninong susunod sayo, walang kamatayang naghihintay sayo at walang mananakit sayo. And Reva also told me na maraming lalaki at babaeng nagkakandarapa na makasali doon. Kaya niya siguro ako sinali dito dahil sa mga ikwenento ko sa kanya noong nakaraang araw. Naisip niya siguro na nahihi

