Natapos na ang subject ko roon sa professor naming binastos ni Kylie. Kay ma'am Josi na ang sunod Dahil always late si ma'am dumating ay naging palengke ang classroom namin. Naalala ko tuloy noong 2nd year high school ako. Ako lagi ang pasimuno ng gulo. Puro lalaki ang mga kaibigan ko noon. Nakabuntot sa akin lagi sa akin ang mga 'yon araw araw. Parang mga alipin ko sila kumbaga pero syempre may exchange, ipapakilala ko sila sa mga kaibigan na chicks ni ate Gabby. Tapos minsan nagbabatuhan kami ng bunot at kung sino ang matamaan ay manlilibre ng ice cream kapag uwian na. Pero ngayong 3rd year na ako dito sa Dalfon high? Lahat nagbago na. Namiss ko 'yong pinakaclose ko na kakalse, si Cyron. Siya ang partner in crime ko. Kamusta na kaya siya sa Vigan? "Ang tanga tanga naman!" Napatingin

