chapter 26

1027 Words

Hindi ko alam na may gano'n palang bahagi ng pagkatao ko na tinuturing na pagkakamali ang naisip kong gawin. Habang may pagtatalong nagaganap sa isip ko ay biglang kumilos ang lalaking kaharap ko. Bigla niya akong kinabig palapit sa kanya sabay lapat ng mga labi niya sa mga labi ko. Gusto ko sanang kumawala pero biglang bumalik sa alaala ko ang naiwan kong tagpo sa pagitan nina Shawn at Lizia. Wala akong naramdamang sparks sa paglalapat ng mga labi namin ng lalaking nagpakilalang Thorn pero binalewala ko lang iyon at iginalaw ang sariling mga labi. Mabilis naman agad ang nakuha kong tugon kay Thorn. Mukhang magkaiba kami ng nararamdaman dahil naririnig ko ang nasasarapan niyang ungol magkahinang ang mga labi namin. Nakapagtataka dahil wala.akong espesyal na nararamdaman. Parang wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD