Ayon kay Gresh, kung kaibigan ka raw ng mga Carson ay kailangan daw matatas kang magtagalog dahil iyon daw ang dialect na ginagamit ng mga kamag-anak ko. Well, narinig ko na ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya nga iyong mga babaeng gustong makasilo ng Carson ay nag-aral talagang magtagalog pero malas lang nila dahil talagang mahilig sa Pinay ang mga lalaking Carson. Except kay Uncle Felan na baliw na baliw kay Auntie Julia. "Maybe, he wants to talk about the wedding," sabat ni Mamita sa usapan ng dalawa. Agad tumuon ang buong atensiyon ko rito. Kunwari ay busy ako sa pagkulikot ng cellphone ko pero ang totoo ay all ears akong nakikinig sa usapan nila. " I guess so," masayang sagot ni Aliza. Tuwang-tuwa ang gaga dahil siguro si Mamita mismo ang nagbukas ng usapin tubgkol sa kasalan. P

