" Nagmamaneho ako nun ng biglang malaglag ang pitaka ko. Agad na lumabad ang litrato nito. Nakaramdam ako ng kakaiba. Para bang may mangyayari. Hanggang sa natagpuan ko ang isang kotse. Sa isang madilim na bahagi. Bigla akong nagtaka at tinignan yun. Bigla akong kinabahan ng makita ang bukas na sasakyan. Walang tao kaya aalis na sana ako. Pero natigilan ako ng aksidenteng mahagip ng mata ko ang patak ng dugo. Sinundan ko yun hangang sa di kalayuan nahanap ko ang dalawang taong nakabulagta at naliligo sa napakaraming dugo. Babae at lalaki yun. Nakita ko pa ang espadang nakalatag sa tabi nila. Sa oras na yun hindi ko na alam ang kabang nararamdaman ko. Una kong nilapitan ang babaeng nakabulagta. Kung titignan to. Mukhang malubha ang saksak natamo nito. Agad kong kinuha ang cellphone at kinon

