Warm's POV Nagmamaneho ngayon si Hot. At nasa tabi naman ako nito. Well lihim naming sinusundan si Uno ngayon. Bakit? Flashback... Narating namin ang O hotel. Wala na kaming sinayang na oras at nagsimulang maghanap. Nagawa na naming halughugin ang lahat. Isa na lang yung natira. Sa Desk ni Boss. Agad kaming nagkatinginan ni Hot. At pumunta sa Desk ni Boss. Ang daming papel na nagkalat sa desk nito. Nagsimula kaming maghanap. Hanggang sa may nakita si Hot. Tinignan nito ang papel at nanlaki ang mata nito sa nalaman. At dahil curious ako sa nangyari dito. Tinanong ko ito. Imbis na sagutin. Nakatulalang binigay nito ang hawak. Binasa ko naman yun at kagaya ni Hot. Nagulat din ako sa nalaman.

