Chapter 13

1501 Words

Ang masiglang kapatid ko na palagi akong sinasalubong ng ngiti... nasaan na? "A-Ate..." ngumiti siya ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. Ang payat na niya, nalalagas ang kaniyang maganda at mahabang buhok tapos ang putla na ng mukha niya na halos mawalan na ng kulay ang mga labi. "A-Ate... ko," naitaas ko ang aking mga kamay nang bigla niya akong yakapin. "Ate... sobra-sobra a-akong nagpapasalamat sa Diyos dahil i-ikaw ang ibinigay niya sa akin. Tumayo k-ka na magulang ko nang mamatay ang nanay at tatay. Hindi mo ako p-pinabayaan at l-lagi ang kapakanan ko ang iniisip mo." "S-Seya..." Ramdam ko ang hirap niya sa pagsasalita. Nahigit niya ang hininga at humihinto sandali. "Sa... b-buong buhay ko na nakasama kita kahit isang beses hindi mo ako pinagtaasan ng boses. H-hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD