Ipinikit ko ang mga mata ko habang namamahinga. Alas sais na ako magpapasundo kay Adriano. Sinabi ko naman na kay Thauce kanina na baka nga gabihin na ako ng uwi. Siya ay binilinan ko nang wag mag-isip at uuwi naman ako. "Takot rin na hindi ko siya uwian, eh," nakangiti ako habang nakapikit ang aking mga mata nang sabihin ko 'yon. Pero nang makarinig ako ng mga yabag ay akala ko si Lea na kaya napadilat ako. Pero hindi pala. "Ayan. May nakapagsabi sa akin na nakauwi ka na nga raw. Akala ko ay talagang tinakbuhan mo na ang responsibilidad mo dito sa apartment." Salubong ang mga kilay ng babae na nasa harapan ko. Tumayo ako ng tuwid. Si Ma'am Jineth. Kahit na nakaramdam ako ng inis sa mga nalaman ko kay Lea kanina ay ngumiti pa rin ako dito at sumagot ng maayos. "Magandang hapon po. Pase

