Alam kong sa tingin ay ramdam ni Thauce ang takot sa akin. Mahigpit niya na hinawakan ang mga kamay ko. Nararamdaman ko ang pagbaon ng bawat daliri niya sa aking tagiliran kung saan siya nakayakap. "Do you believe in me, Zehra?" At dapat mabilis akong tumango, mabilis akong sumagot na oo, naniniwala ako sa kaniya pero hindi. Napapikit ng mariin si Thauce at umangat ang isa niyang kamay at inilapat sa aking pisngi. Doon ko na lang rin napagtanto na lumuluha na pala ako sa kaniyang harapan. "They cannot force me to do something I don't want to do, Zehra Clarabelle. Ako ang masusunod sa buhay ko. And do you think that company is the only thing I have? they can get it, I am not afraid to lose the company--" "S-Sa ama mo 'yon, Thauce." Pagkasabi ko non sa kaniya ay nakita ko ang pagtatagis

