"Ate Zehra..." "Seya!" Napabangon ako nang marinig ang boses ni Seya. Luminga ako sa paligid. Nakita ko si Lea na natutulog sa sofa sa kabila. Sa aking gilid naman ay nakita ko si Lianna. Napabangon ako at napatingin sa orasan sa gilid. 3:00 am. G-Ganoon katagal akong tulog? Nanlaki ang aking mga mata. Hapon nang atakihin si Seya at dinala sa emergency room. Higit sampung oras na ang nakalipas. Ang natatandaan ko ay lumabas ako ng silid niya at tinungo ang ER. Seya Clara Mineses Time of death 6:24 pm. H-Hindi... "S-Seya... Seya..." Nag-init ang aking mga mata at ilang sandali pa ay namalisbis ang mga luha. Ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib ay walang kapantay. Napahikbi ako at natutop ko ang aking bibig. Ang matinding sakit ay hindi ko alam kung saan nanggagaling. Pakira

