Pagkatapos ng pagtatapat sa akin ni Lea ng ginawa ni Thauce ay sinabihan ko siya na maaari naman na siyang umuwi muna. Ayaw pa nga niya noong una na iwan ko pero nang maisip na kuhanan ako ng gamit ay tumuloy na rin. Sa tingin ko ay nakukunsensiya pa rin si Lea kahit nasabi naman na niya sa akin ang totoo. Hindi ko lang inaasahan na tototohanin ni Thauce ang pagkuha sa kaniya bilang makakasama ni Seya. Masyadong maaga para sa akin. Nabanggit na niya iyon noong una, sinabi ko na walang maiiwan kay Seya. "If you are still worried, I can pay your friend to look for your sister. Dalawa sila ng private nurse na kukuhanin ko para tingnan ang kalagayan ng kapatid mo." Pero, bakit hindi niya sinabi? bakit kailangan pang ilihim at hindi ko dapat malaman? Napahinga ako ng malalim nang bumilis na

