Chapter 34

2213 Words

Pagkatapos ng sinabi ni Thauce ay tumayo siya at lumabas sa silid. Napabuga ako ng hangin at tumingin kay Sister Angelica. Nahihiya. Humingi ako kaagad ng paumanhin. Ang hirap rin kasi kay Thauce ay basta kung ano ang nais gawin at sabihin ay ginagawa na lang niya. Sa harapan pa mismo ni sister bigla na lang nagmura. Nakakahiya. "Pasensiya na po talaga kayo sa inasal ni Thauce." Umiling si Sister Angelica, "Sanay na kami sa batang iyon. Pero mabait naman siya, 'nak. Hindi naman ang lumalabas sa bibig niya ang magsasabi at magpapakilala sa iyo kung sino siya. Napakabuti na bata niyan. Matabil lang ang dila." Naalala ko ang pagtulong ni Thauce sa amin ni Seya. Iyon nga. Mabait rin siya at matulungin na tunay pero, minsan ay mahirap intindihin. Lalo iyong mga sinasabi niya. Nais niya ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD