Nang bitiwan ni Thauce ang mga labi ko ay pinatakan nya ng halik ang aking noo at ilong. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng diretso. "I am sorry, but this is not enough for me. I am losing my patience, baby." "Thauce..." "I still get jealous. Nagseselos pa rin ako kay Errol. I want to tell him that he doesn't have a chance, that you are in love with me and--" Ako naman ngayon ang hindi nagpatapos sa kaniya. Ikinulong ko ang kaniyang mukha sa aking mga palad at mabilis na hinalikan ang mga labi niya. "Alam na ni Errol, Thauce..." Kumunot ang noo niya. "Alam niyang mahal kita... sinabi ko... s-sinabi ko na kahapon ng umaga na ikaw ang minahamal ko at wala na siyang maaasahan sa akin kung hindi pagkakaibigan na lang." Parang tinatambol ang puso ko habang naghihintay ako ng reaksyo

